Governance by FB and Twitter?

(isang pagpapaunlak sa paanyaya ni Resident Patriot upang buksan ang temang ito)

Actually, lahat na yata ng formula ay nagamit na natin sa pagpili ng mamumuno sa ating bayang sinilangan – yung may karanasan, yung matatalino, yung maybahay lamang, yung negosyante, yung manlalaro, yung artista, yung mga sikat, yung mga magagaling na mananalumpati, yung gwapo, yung maganda, yung nakikita lagi sa TV, yung dating sundalo, yung inhinyero, yung economista, pati na rin dating dancer o singer…O di ba? Pambihirang line up ito! Di ba sumasakit ang bangs ninyo?

Akin lamang napansin, yung mga maayos na kandidato, pag nag file ng candidacy at galing sa payak at hamak na bahagi ng lipunan, tulad ng scientist-economist na kilala ko, ikinakategorya silang nuisance candidates, mailabas lang sa equation. Kung wala kang show money (campaign fund) na at least 1 Million, di ka peding kumandidato. Tsk tsk tsk, mas may kakayahang pinansyal ang mga “trapo”.

May mga maayos din namang namumuno, nakikita rin natin pero ako bilang botante, di ako masaya kung ang CENTRAL TENDENCIES ay 85% ang MEAN ng mangungurakot, madalas ang MODE ng mapanlinlang at mataas ang MEDIAN ng mga mapagsamantala. Ang hirap ata magtrabaho, automatic ang kaltas ng buwis.

Nakakalungkot kasi, pera-pera talaga ang labanan. And you will see lots of SHOW OFFs and POWER TRIPPERs!…

OMG sila sa pagiging OA minsan, mega cry cry pa during speeches, pero pagkatapos,” moshi moshi anyare” na ang drama….Yung iba naman akala mo kung sinong ke lilinis kung makapambuska ng kapwa nagliligkod sa gobyerno… Hmmm mauna ngang bumato nag walang “cut” or “percentage” sa kahit saan at sa kahit ano… Baka maghuramentado si Magdalena nyan.

Pambihira, SONA nga lang, fashion show na. Only in the Pilipins na ang highlight ng isang talumpati ay ang mga kasuotan ng mga dumalo at hindi ang isyung dapat pinagtutuunan ng pansin! At isa pa, nalimutan ata nilang may media na nagcocover, huling huling nagtetext  habang nagsasalita ang Pangulo! Tanungin, ansabe?

(Kakaloka minsan makinig sa radyo kapag  iniinterbyu na mga nakaposisyon ay di man lang alam ang mga datos sa kanilang ahensyang pinamumunuan, kalungkutang matindi, pinapatay ko ang radyo sa aking pagkadismaya.)

Ang mga ito ay “seasonal” nakikitang lumalabas sa kanilang lungga. Makikita mo lang kung malapit na ang eleksyon, kaliwat kanang commitment, nagiging panauhing “pandangal?” sa mga pagtitipon. Ikot ng ikot. Parang Mr. and Ms. Universe lang sa kaway kaway at kamay kamay. Ang tanong, may “sustainable” projects ba silang nagawa at di lamang one time bigtime na mga gawaing pagkatapos, ala ka ding makita at maramdaman? Hmmmm… huwag namang overpriced projects… Wagas na kickback! May pang around the world na naman si misis kasama ang mga amiga nya! Ay, sorry naman!

Pag nanalo na, di na mahagilap. Tulad ng isang bayang alam ko sa dako pa roon. Ang Punong-bayan ay di naglalagi sa kanyang bayang dapat ay pinamumunuan. Dahil may negosyo sa Maynila, naroroon siya. Weekends lang pumupunta sa municipal hall nila. O sya, ang tanong, paano na nga kung ganyan? (Wala daw kasing casino sa probinsya, ang bulong ng hangin sa akin…)

Ano ito, governance by remote control? (ay high tech!) Mula sa malayo, sasabihin mo dama mo ang problema ng bayan mo. Ha? Paano? Nagteteleport ka ba sir?

Or governance by twitter or FB? (ay sosyal!) Ay ang galing naman! Teka, paano nyo nakukuha ang mga impormasyong tinitweet o sina-shout out nyo? Galing sa mga bubwit na paikot ikot? Eh paano kung kung yung mga bubwit nyo ay palasing lasing din sa kanto? Ano na ang nangyari sa “mahusay na pamamalakad” na lagi ninyong ipinagmamalaki?

Ay mahiya naman kayo sa mga mamamayang nagbabayad ng buwis para lang ano? May maibili kayo ng magagarang sasakyan at magagarang kasuotan? Tsk tsk tsk! Ay oo nga pala, tayo nagpapasahod sa kanila…bakit basura ang tingin nila sa atin? Hmmmm… Pakiexplain nga…

SALUDO KAMI sa mga talagang tapat sa panunungkulan. NAKAKALUNGKOT lang ang pamamayani ng mga AVES DE RAPINA sa ating pamahalaan.

Masama ba ang loob ko? Oi, hindi ah! Nagpapaliwanag lang.

Araw-araw kasi akong nakakapanood ng CIRCUS sa ating pamahalaan, MASAKIT SA BANGS!

Don’t blame me for using my eyes, my ears, my heart and my brain…

yun lang po. bow.

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 19, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 18 Comments.

  1. nakakalungkot talaga… sayang kasi.. ang laki ng pwedeng ikaunlad ng pilipinas, yun nga lang yung ibang namumuno ay iba ang pakay.. sana lang ay magising sa katotohanan ang pilipinas… matuto tayong pumili at magsala ng karapat dapat na kandidato na mag-aangat ng ating bayan… at hindi ako sanay magsalita ng seryoso.. ehehehehe

  2. Bagay na bagay ang post na ito sa blog ko. Okay lang bang i-plagiarize ko ito at sabihing akin? ‘Pag may pumalag, sasabihin ko sa kanya na hindi ako nangongopya sa mga blogger lang…weytaminit! Blogger din pala ako! Oh men.

    Ate Chilled, pag may okasyon, mag-guest blog ka sa site ko ha? Gusto ko yung parang post mo na ito ang style hehe😀

    • hahahahah….

      Ayos na ayos yan Patriot!

      Dahil ikaw ay may gagawing napakahalagang pabor para sa akin, ang iyong kahilingan ay buong puso kong pauunlakan…

      O sya anong gagawin ko para makapag guest sa Blog mo? (parang TV appearance lang ah hahahaha)

      Kelan ako naka sched at ano ang call time?

      ^_^

      • Salamat sa iyong pagpapaunlak pero hindi pa muna ngayon hehe
        PM na lang kita pag may maganda ng pagkakataon.

        Maraming salamat in advance…

        • Okidoki Patriot!

          Basta ang topic ay nakakapagkakulo ng dugo o nakakapagpalawak ng kamalayan, go lang ng go🙂

          Nagdadagdag ako ng katha, napapnsin mo ba?

          May mga magagandang suhestiyon nang ipapadala… para unti unting magkaroon ng natatanging anyo ang panulat…maraming maraming salamat kaibigan🙂

      • Mas maganda yung nakapagpapalawak ng kamalayan, mauubusan ako ng dugo kapag nasobrahan sa kulo hehe

        Dami mo nga katha, ang hirap makahabol, para kang factory ng idea at katha, ang lupet.

        • sige sige yung nakakapagpalawak na lang ng kamalayan…kawawa ka naman, baka ma-blood transfusion ka pa kapag pinakulo natin ang dugo mo🙂

          Marami, pero pagpipilian lamang🙂

          Ganyan talaga kapag nasa tuktok ka ng bundok, sa pagtanaw sa kawalan, maraming naisusulat…🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: