“Tayo”

(para sa aking mumunting anghel, thirdheight at greatfire)

Umaawit na naman kayo, naririnig ko,

Parang mga anghel , sa pandinig ko,

Napakaganda ng inyong mga tinig,

Nagpapasalamat na iyan ang inyong hilig…

Akin kayong minamasdan mula sa sala,

Natutuwang makita na kayo ay maligaya,

Nakangiti, habang lumuluha ang mga mata,

Nawa’y habang buhay ganyan kayo kasigla.

Sa lahat ng ating hirap na pinagdaanan,

Nariyang sumugod tayo sa ulanan,

Nariyang mabilad sa initan at pawisan,

Nariyang maubusan at mawalan…

Ang inyong mga halakhak, nakakaaliwalas,

Ang inyong mga yakap, nagbibigay lakas,

Ang inyong mga pangarap ay akin ring pangarap,

Igagapang at pag-aalayan ng buong pagsisikap.

Ako, si kuya at si bunso, tayong tatlo,

Lalaban at tatawid sa kabilang ibayo,

Hayaan nang tayo ay di inaasikaso,

Ng pinanggalingan n’yong wala ata sa wisyo.

Di natatapos ang buhay sa isang pagkabigo,

Hindi rin ito natatapos sa isang paglayo,

Di nawawala ang pagmamahal ko sa inyo,

Tayong tatlo – si kuya, si bunso at ako…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 18, 2012, in AKRONYMS, DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN, SINGLE MOM DIARY, SURVIVAL KITS NG BUHAY. Bookmark the permalink. 14 Comments.

  1. Bittersweet. How beautiful. Kisses to your kids. No love like those. I have not been blessed with one yet.

    • They are my treasures Ate. They make me go on, even through the hardest of times. I had to fight for them. I had to show that I can take care of them, no matter what. Twas so hard but very fulfilling. Its a battle I won. I thank God because He equipped me with so much will and determination, with talents and skills… The things we went through together without any single cent of support was unthinkably sad and difficult.

      See Ate? Our reunion would have lots of topic to be laid on our table…may God permit..🙂

  2. Indeed. Mahabang kwentuha. You know naman God does not give you a cross you cannot bear. What doesn’t kill you makes you stronger. Your kids are lucky to have a mom like you.:-)

    • Yes correct…

      I just think of that really, always.

      Kakaloka lang minsan kasi pag buhos ng unos, wala kang makapitan. marami syempreng nagsasabing andito lang ako para sa iyo pero iba pa rin yung talagang kasamang haharap sa lahat.

      Umikot sa mga bata ang mundo ko.

      Kaya nga siguro di ko namalayan, ang tagal ko nang walang katuwang.

      Sana di ko na lang talaga namalayan pa🙂

  3. Hhaha. At least nakaka pag patawa ka pa. Totoo yan. When I went through a rough patch in my life nobody really help me. Also I did not want to trouble anybody especially my family. Kaya I picked myself up. Ayun nakabangon din. I know your situation is different kasi my mga anak ka. Madali Kung sarili Lang diba.

    • Naku ate supppppeeeeerrrrrr hirap that was, kasi nga may mga kids at tulad mo ayaw kong isali sa kwento ang mga parents ko.

      Pagkakamali ko, bangon ko – mag-isa.

      Grabeng parusa sa sarili. Pero heto ang catch, nobody knew the storm I was going through. Nobody knew I was breaking up inside. Nobody knew that I dont have even a peso in my purse. Nobody knew that I was already on the verge of erupting and breaking into pieces.

      I had to show I am pretty, free and happy… coz the kids will be affected if I have negative vibes around me.

      It was a tough act. Just glad that part was over.

      Another scene is playing.

  4. Haay buhay nga naman kanyakanyang suliranin. NASA pagdadala na Lang talaga. I pray to God to give your more strength , clarity of mind and sana matapos na ang Bagyo sa iyong buhay. Have a nice weekend Inspite of your problems.🙂

  5. hello, honey… maganda ang akda mong ito. kayong tatlo sa inyong munting sirkulo ng buhay na patuloy iikot at igagaod, gagatungan ng pagmamahal, paggabay at pananalig. masarap nga sigurong maging nanay, haha… happy weekend, sister – sa inyong tatlo!😉

    • Ang ganda ng comment mo! As in…. Masarap ang maging ina dahil alam mong talikuran ka man ng buong mundo, ibasura ka man ng mahal mo, mawalan ka man ng lahat na materyal na bagay, may anghel pa rin sa tabi mo…magbibigay ng lakas, yayakap ng tahimik at magsasabing “We love you mom” (Paulit ulit, habang pinapahid nila ang luha mo)…. Walang katumbas. At sa taong nagpabaya sa amin for 7 years na ata, isa lang ang masasabi ko….”God Bless him for he doesn’t know what he is doing”…

      • ahaha, siyempre, maganda ang nagko-comment, whehe… may kwento ako, nagpa-pic ako kahapon, ang swanget ng lumabas. wala kasi akong tulog the night before – haggard na haggard lang. early this evening, nagpa-retrato uli, haha. anlagay, ayaw i-recognize ang kapangitang nahuli ng cam, hehe…medyo mukhang tao na ang lumabas kanina. pwede-pwede na…😉

        kumusta ang nanay, kumusta ang aleng may “tayo?” kaway-kaway.🙂

  6. sis, un ang name cla? thirdheight en greatfire? un ang maganda sa may anak. kasi habangbuhay ka ng may lakas na paghuhugutan🙂

    • un ang WP name nila sis. Sila pumili nyan. Ganda ba? eh sabi ko dati ung Chinese names na lang nila, ayaw kasi daw di alam ng babasa ang ibig sabihin. oo nga naman, may katwiran hahahhahaha Tama ka sis, ang sarap ng may tsikiting, lalo na katulad nila na di pasaway. They have love and respect for me, my words are very important to them kasi their words are also very important to me. Mutual respect lang. Kasi nga tatlo lang kami.🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: