Sa Muling Pagbangon…

Aray, naku, nahulog yata ako!

Sumabit ang kwelyo, sumabit din balat ko,

Ayan, nasugatan, dumudugo ng husto,

Mahapdi, makirot, paano na ba ito?

Damuhan pala’y maraming bato,

Tumakbo, nadapa, tumama ang  noo,

Mapangahas na nakipaglaro,

Nasaktan, umiyak, mata ay namugto…

Ayan ang bukol, malaki at masakit,

Hindi naman natuto, paulit-ulit,

Sugod nang sugod, di napapagod,

Sadyang matapang, ayaw lumuhod.

Iiyak, magmamaktol, magtatampo,

Magmamakaawa, hihikbi, magsusumamo,

Tila walang nakikinig, walang kakampi,

Pakiramdam, bahala na sa aking sarili…

Lahat tayo ay dumaraan sa ganyan,

Sige lang, tila walang kinatatakutan,

Sa pagharap sa buhay, pilit lumalaban,

Babangon at babangon, magkamali man.

Aral bang hatid ng kamalian ating natutunan?

Mas malawak na ba ang taglay na kamalayan?

Mas marami na ba ang taglay na kaalaman?

Mas malalim na ba ang taglay na karanasan?

Sa muling pagbangon, ating pakaisipin,

Hindi naman tayo pinatay ng mga suliranin,

Maaring iniwan tayong luhaan at sugatan,

Tandaang Maykapal, lagi tayong sinasaklolohan…

Kapit lang kaibigan, hawak ka sa kamay na duguan,

Huwag mag-alala, yan ang marka ng kabanalan,

Kahit anong unos at bagyo pa man ang dumating,

Maykapal ay darating, tayo man ay nahihimbing…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 18, 2012, in AKRONYMS, DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: