Nakikinig Ka Ba?

Shhhhh…. baka di mo ako naririnig,

Ibunulong ko kasi na ika’y iniibig,

Huwag maingay, baka di maulinig,

Mga katagang pinawalan, kasabay ng himig…

Shhhhh…. nakikinig ka ba sa akin?

Mahal kita at iyo itong unawain,

 

Kasing lawak ng aming bukirin,

Kasing taas ng ating himpapawirin…

Shhhhh… ito ba ay iyong nauunawaan?

Nais di matapos ang ating sinimulan,

Oras mo’y di man sapat, oras minsa’y di laan,

Ako’y maghihintay, nakatulala sa kawalan…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 18, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. ayiii… 😉 lam mo, minsan, parang gusto kitang sermonan, as in… pero kung minsan, parang gusto rin lang kitang hayaan, as in… kasi naman, mas may karanasan ka na at alam mo na ang mga pitfalls at katimangan mo, hija… hahaha 😉 peace, kapatid.

    • wahahahhahaha….. palagay ko marami na kayong gusto akong batukan at sermonan, hahaha, ramdam ko iyon, kasi kahit ako, gusto kong sapakin ang sarili ko, ayaw ko lang kasi masakit hahahahhaha….Yaan na sa katimangan, hindi naman ako papatayin nyan eh hahahahha… ang mahalaga sa bawat emosyon, yung katha, lumalabas na nakakarelate din ang nagbabasa…. yun na lang ang kaligayahan Saliw… at least yun man lang, di ba? 🙂

  2. pulang pula ang puso ni Ch. Kainaman. Wagas.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: