Ikaw ang Hari, Ako ang Reyna

Namasyal sa kaharian, nagmasid,

Nakangiting tinanaw, ganda ng paligid…

Mga bulaklak, makulay, namumukadkad,

Mga paru-paro,  kay sayang lumilipad…

Malulusog  na dahon, nagluluntian,

May mga adarna pang nagliliparan…

Hamog niyayakap, buong halamanan,

Hamog pinalalamig, yaring katauhan…

Natanaw ang Hari, may kaba sa dibdib,

Tila ba pagliwanag, sa loob ng yungib…

Sa kanyang pagngiti, puso’y tumalon

Ganyang-ganyan, bawat pagkakataon…

Ako ang Reyna ng kanyang kaharian,

Mapalad sa tronong,  kanyang pinaglagyan…

Harinawa,  ang aming abang kaharian,

Kasihan ng biyaya, lubos ang kaligayahan….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 18, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 9 Comments.

  1. totoo na ba ire o akda lamang? harinawa… 😉

  2. ~we’re the king and queen of hearts.. only when the music starts…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: