Blogger “LANG”? Ha? meGanun?

(Never belittle a speck, a speck can still irritate your corneas)

Blogger ako pero hindi “BLOGGER LANG”…

Patawarin ka naman (Tito Sotto)  kung “LANG” ang tingin mo sa mga Bloggers!   Nadisappoint naman ako sa statement na iyon…

In fairness, mahirap ang blogging, hindi para sa karamihan…

You need a good command of your life and a good command of the language to express yourself….

At sa panahon ng jejemon at texting….masasabing very few can really express their thoughts, translate their experiences into words….very few can manipulate words and expressions to make a banging impression! (Hmp! taray much lang!)

And Kuya Tito, have you checked the background of the blogger? Baka naman kaya ganyan kabigat ang kanyang pananaw ay dahil iyan ang kanyang expertise o mayroon siyang malawak na kaalaman, karanasan o kamalayan sa usapin?

Hmmmmm…. Fan mo pa rin ako, sa komedya na lang na kung saan scripted ang lahat ng sinasabi at di talaga ikaw ang humabi ng mga pangungusap….di mo ako fan kung ikaw na ang naghahabi, wala sa ayos eh…

So sino ngayon ang lumalabas na “NAGSASALITA LANG ngunit HUNGKAG” ? (hmmmm…. nauunawaan kaya nila ito?)

Minsan mahirap talagang maarok ang kaalaman at kakayahan ng isang tao kung ang ganda lamang ng kasuotan ang titingnan…pero walang lubos na kaalaman at kamalayan sa kanyang sinasabi…

Kaawa-awang mga nilalang na mukhang mga ginto ngunit mas wala palang kwenta kesa sa tanso….

Hindi po galit, nagpapaliwanag lang :)

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 18, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 95 Comments.

  1. e sya? artista lang?!🙂 tama ka mahirap maging blogger, to express yourself dapat may pinaghuhugutan..🙂

    • hahahhaha… gigil ba binks?

      hepapano naman, sobra naman ang salita nila minsan. palibhasa nasa kapangyarihan. maraming tulad niya. mas masahol pa nga,

      may nakita nga ako sa medical mission, ganito naman… ayaw bumaba ng kotse nya kung wala pa ang news crew na mag cover ng kanyang “pagtulong” kuno. minumura yung alalay kasi nalimutang dalhin ang paborito nyang sigarilyo. galit na galit ha? pagsabing andyan na ang press, parang on cue lang, labas, ngiti, kaway, abot abot ng relief goods. pagpasok sa kotse, todo buhos ng alcohol sabay sabing, “alis na tayo, ang baho dito!” hmmmm ako ang coordinator ng lugar na pinaggawan ng mission kaya nasaksihan at narinig ko.

      Diyos na Huwad!

      • ang dami nyan.. kung isa isahin natin malamang pwede na tayo gumawa ng listahan para sa hitlist.. hahahah basta tayo masaya sa buhay bahala sya..
        speaking of Tito Sotto, sya ung umaayaw sa RH Bill, di naman daw tayo over populated!! di ko alam kung sino bumoto sa taong ito.. patatawarin kung may masagasaan kaso lang di ko mapigil ang hindi masalita sa ganitong mga klaseng tao.. hay maganda araw ko ayoko masira.. sa ibang araw magkukwento ako..🙂

  2. Sen. Sotto is insistent of making an ass of himself these days. That and lying about the pill to oppose the RH bill.

    • Agree much, Ate. Why speak of something that was just presented on a page or two by researchers who may not been even doing their homeworks? Why not research on the whole thing, be open to old and new info, be open to criticisms to make a convincing judgement? Why not sit down with experts? Why not go around, step on the streets and look at what the reality presents?

      hmmmm… I guess they are to busy watching movies and dining at expensive resto or too busy county hopping…

      sigh…

  3. It reeks of his political agenda siding with the catholic church to get votes of those who are opposing the RH bill. He wants to run for presidency I think. Ganyan naman talaga mga politiko natin. Di bale mahirap pilipinas basta sila mayaman.

  4. Hindi ko sana ito papansinin pero hindi na naman ako makakatulog pag pinalampas ko hihihihi

    Sa lahat ng kinaiinisan ko ay ang mga taong nagpapakita lamang ng panlabas na kakisigan o kagandahan ngunit bulok naman ang katauhan.

    Sa mga taong humahawak ng katungkulan, anoman ang sabihin nila, maaring magbigay ng tama o maling karunungan sa isang simpleng mamamayan. Kaya nararapat na dapat pag-ingatan ang anumang mga pahayag na inilalabas.

    Sa mga tulad din nilang may mataas na pinag-aralan, isang sampal na masakit at nakakagising ang masabihang sinungaling at magnanakaw.

    Isang kalungkutan sa lalong kumukunot at kumukulot na imahe ng ating bayang sinilangan.
    😦

  5. Ang dami kong tawa kay Tito nung malaman kong nahuli siya sa pagnanakaw ng salita ng isang “blogger lang.” At hindi lang daw isang blogger ang pinagkunan niya ng salita para sa talumpati niya; mahigit lima daw po.😛 Hay… Di pa niya aminin.

    • Nakakalungkot isiping sa ganyang level ay may nanggagaya pa ng mga kaisipan… tsk tsk… if that is the case… I am now wondering where all these laws, bills and policies came from….. What a pity!

      • Oo nga. I agree. Pero kasi, yung iba sa mga laws natin ay minana natin sa mga Amerikano, eh, so hindi na rin ako magugulat kung may mga similarity sa mga batas natin. Subalit, iba na rin ang nangyaring ito — I mean, hindi man lang niya binigyan ng credit yung mga bloggers!

        Hay…:/

        • Yup I agree… I mean with all the politicking they are doing, and not being very careful with words and actions, I am seriously doubting their capability to lead. Poor us, the weak and meek…

  6. He is now writing a story on great fire as he has promised…take note, its an original daw…. sige antayin nga natin at nang mabistayan how good a story teller my 9 year old kid is…hmmmm🙂

  7. Tsk2. Blogger lang? Pero kinuha niya yung thought at opinion ng “blogger lang” na sinasabi niya. Tsk2.

    • Hmmmmm…oo nga …. Blogger “lang”…. payag ka ba? Kahit ako ay estudyante pa, di ako papayag na maliitin. Bakit sya ba ang nagpapakain sa akin araw araw? (taray mode lang hihihihi)

  8. hindi affected kc wordpress ako, buti nalang hnd ako sa blogger! chos! hahah.. nabasa ko lang to sa fb ahihihi..

  9. klap klap! pero ang puso ah..hinahon lang muna gurl…😉 blogger lang pala ah..grrrr…nanggigil din ako sarap tsinelasin…

    • Hay naku myr, di naman ako papayag na maliitin ng kahit sino ano? Mataas o hindi man ang pinag aralan ng isang blogger, the fact na may lakas ng loob siyang ihayag ang kanyang saloobin na nababasa ng karamihan, iyon ay isang karespe-respetong katauhan. MAy hindi magandang maghayag pero kakaunti lamang. Mas nakararami ang magaganda ang kaisipan. yun ang mahalaga….. naku… pa BP nga ako at mukhang tumataas ang “High Blood” ko hehehehheheeh

      • hehehe..tama..hindi porket nasa demokrasyang bansa tayo eh ganon ganon na lang ba ang pangmamaliit niya sa mga blogger..hmmm..tulad mo tagahanga rin ako nya pero biglang nagbago lahat dahil sa kanyang inasal..naku 130 over 100 ka na ata…relak lang wag ma ten..;-)

        • oo nga baka ako maatake sa heart neto… kagigil kasi…parang ang feeling ko ang tingin nila sa atin eh parang “speck” lang… hmmmmm…. nabasa mo na ba ung katha ko “diyosang huwad”? gagawan ko rin sila ng ganyan…. hmmmmmm

          • ay oo..akmang akma nga yan…nampucha talaga sila..kala mo kung sino magagaling. if i know hindi nga sila marunong sumulat ng sarili nilang speech sa senado or kongreso…mga nababalutan ng mga magagarang damit. mga hungkag at mapagbalatkayo…tsk tsk tsk..~

            • naku naku kapatid! ang puso, nahulog, gumulong at nag-aapoy na! hahahahhah totoo yan, meron kasi silang tinatawag na speech writers. Hmmmm…. Kung ako ang magsasalita, bakit ko hahayaang isulat ng iba lalo na’t alam kong ang aking mga pahayag ay nakapa importante para sa iba? Isang katanungang lagi kong dala dahil naranasan ko ring maging speech writer ng ilang opisyal noong ako ay nasa gobyerno pa… alam mo ang nakakatuwa sa kanila? IIlan lang ang nagbabasa ng isinulat mo para sa kanila bago tumungtong sa entablado. Mas marami yung mismong sa entablado na binabasa ang isinulat mo. Kalungkutan.

              • Ganon talaga…puro sila dakdak, akala mo kung sinong kegagaling magsalita…kung wala silang mga tagasulat na katulad mo ay wala sila sa knilang kinalalagyan..grrrrr.. Hay naku..lets start our weekend right…smile na tayo🙂

      • sa sobrang inis, nagdoble ang taas…kaya “tumaas ang hi blood”… naku, huwag naman magka stroke di ba?🙂

  10. obviously, wala rin masyadong alam tungkol sa pag-blog si tito sen, kapag nagsulat ng sariling blog nya si pope benedict xvi, mapupunta na rin s’ya sa mga “blogger lang” category ng senador na ito.

    kahit ano pa ang expertise mo, ‘pag may blog ka, blogger ka lang…
    ano ba ‘yan.

    • Kakalungkot di ba Patriot? In fairness, maraming bloggers na maayos naman ang kalagayan sa buhay. Pero hindi iyon ang punto. Ang point natin, na alam ko sasang- ayunan mo, walang karapatang maliitin ng kahit sino ang kahit sino. At sa pagmamaliit na iyon, ipinakita lang niya (at nang mga katulad pa niya) na sila ay di talaga para sa “mahirap” tulad ng lagi nilang sinasabi… Kung yan ngang napakaganda ng pagkakalahad, “lang” ang tingin nila, yun pa kayang talagang naglalakad lang sa daan, namumulot ng basura…(na dapat ay inaalis nila sa lansangan)…ano kaya ang tingin nila? “superduper lang”? kalungkutan😦

      • tinuran mo, chilled.
        wala akong tinututulan sa lahat ng sinabi mo😀

        • At isang masakit na katotohanan sa lipunang ating ginagalawan… hindi lang siya iyan… marami sila…mga huwad na diyos at diyosang nakaupo sa mga tronong ang gintong ginamit ay galing sa dugo at pawis ng ordinaryong mamamayan…😦

      • kailan pa kaya tayo matututong pumili at bumoto ng matinong pinuno? sila’t sila rin ang nananalo sa halalan eh.

        sa lugar lang namin, kahit walang nagagawa ang mga pinuno sa bayan namin, ulit-ulit pa rin sila nananalo. at pag nanalo na sila, di mo na sila mahagilap.

        mga banner lang nila ang nakikita kong dumadami at hindi ang talagang trabahong dapat nilang ginagawa…ayan na, nararamdaman ko na ang dugo kong nage-evaporate dahil sa pagkulo.

    • Actually, lahat na ata ng formula, nagamit na natin sa pagpili…yung may karanasan, yung matatalino, yung maybahay lamang, yung negosyante, yung manlalaro, yung artista, yung mga sikat, yung mga magagaling na mananalumpati, yung gwapo, yung maganda, yung nakikita lagi sa TV…

      Akin lamang napansin, yung mga maayos na kandidato, pag nag file ng candidacy at galing sa payak at hamak na bahagi ng lipunan, tulad ng scientist-economist na kilala ko, ikinakategorya silang nuisance candidates, mailabas lang sa equation. Kung wala kang show money (campaign fund) na at least 1 Million, di ka peding kumandidato.

      Nakakalungkot kasi, pera-pera talaga ang labanan. And you will see lots of SHOW OFFs…Makikita mo lang kung malapit na ang eleksyon.

      At tama ka, pag nanalo na, di na mahagilap. Tulad ng isang bayang alam ko sa south. Ang Mayor ay di naglalagi sa kanyang bayang dapat ay pinamumunuan. Dahil may negosyo sa Maynila, naroroon siya. Weekends lang pumupunta sa municipal hall nila. O sya, ang tanong, paano na nga kung ganyan?

      Naku, pigilin ang evaporation ng dugo… mahirap iyan…

  11. ang bigat ng salitang “lang” kapag sinamahan ng maling salita.. pero masarap din gamitin yan kung tamang salita ang gagamitin.. tulad ng… “ikaw lang ang mahal ko” o di kaya “hindi lang buwan ang susungkitin ko kundi ang mga bituin”.. at para kay Senator.. ammm.. ano.. ehhh… *smile*

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: