Hindi Nagmaliw…

Hindi naman nagmaliw ang pagtingin,

Naroon pa rin, anuman ang sabihin,

Batukan man o ako’y matay hilain,

Kumbakit kukote’y matigas pa rin…

Hala na, sobrang nakakasabik,

Hala ka, para akong pinipitik,

Hala talaga, kahit na humihilik,

Ayos lang, inaantay ika’y bumalik…

O siya na, ayan na naman kami,

O siya na, di na naman mapakali,

Tingin, titig, basa, kinig, kilig,

Saan ka pa, basta lang makapagniig…

Paikot-ikot parang makulit na bubwit,

Paulit-ulit, lalo namang napipilipit,

Huntahan, kulitan, kumustahan,

Pag nawala, ang tanong ay “Asan?”…

Hindi nagmaliw, nakakaaliw,

Hindi nawala, parang nabaliw,

Simula at katapusan, katapusan at simula,

Isa, dalawa, tatlo, parang humahaba…

BOW!

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 14, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: