Siguro Nagsawa Na…

Minsan may nagsabi, kaisipa’y napakabilis,

Di makahabol, nakakalunod, tumatalilis,

Mukhang nauunawaan na itong pahayag,

Tila isang pamamaalam na di lamang hayag…

Minsan na ring napagtanto, sobra na nga ata,

Bawat katha, tila lubha nang nakakasawa,

Di na nasisiyahan, di na nga pinapansin,

Di manamnam, di na ginaganahang silipin…

Siguro nga nagsawa na, kasi nga wala nang saya,

Wala nang nililihim, lahat nakahantad na,

Hindi na inaabangan, hindi na hinihintay,

Wala nang saysay, kahit ano pa mang alay…

Huwag nang tumitig, tulog na nang maaga,

Wari’y di na kailangan, di na rin mahalaga,

Huminga ng malalim, magbilang na ng tupa,

Ipahinga ang puso, ipikit na ang mga mata…

ang drama naman neto, tsk tsk tsk!

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 12, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 11 Comments.

  1. hmmm… wala lang… emo ka eh.. sige subukan mo kaya ilagay sa bote ipaanod sa baha para makarating sa kanya… gabi na. ipikit na mga mata baka sakali sa panaginip makita mo sya..

  2. “Ipahinga ang puso, ipikit na ang mga mata…”
    awww. tsk. haha
    goodnight, miss chilledhoney! sweetest dreams. xx

  3. Inaantay ay nakapag-abiso naman, may bahagi lamang talaga ng katauhan na di mapakali, may mga langgam na namamasyal sa utak…hamo’t huhulihin ko ang mga langgam at itatali isa isa ang mga paa…

  4. Ipagpatuloy mo iyan. Alam mo, tunay na nakakapanibugho ang laman ng iyong utak. Itong iyong tahanan ay parang kamalig ng mga kaisipan. Mahalaga ito.

    • Salamat Ginoong Kulisap (Sir J) ….nakakainspire ang iyong tinuran 🙂

      Minsan ang aking isip ay nakakasawa na ata…

      Kasi bumabaha sa labas ng bahay, bumabaha din ang mga katha…

      Baka di na nababasa…..

      • Basta nagkakaroon ako ng sapat na oras sa bloghopping, ginagawa ko pero matapat kong ipinapaunawa na hindi ko kayang masundan agad-agad.

        Mainam nga na bawat tiktak ng orasan, may nasasambit ka. Tunay na nakakapanaghili iyon sa iba.

      • Ay oo naman…alam kong napakabusy ng iyong totoong mundo… at nasabi mo na rin yan sa akin sa KM3 di ba? “Huwag gawing mundo ang Blogsphere”…palagay ko ngayon, ikaw ay tama kapatid, matigas lang ang aking ulo.

        The thoughts may be true but the world in this “sphere” does not really exist…Its just a pigment of our imagination…. Hi Ginoong Kulisap!

        (Sir J, asan na pala ang mga papeles? Nagawa na ba ni Sir Judge? Ipalakad natin sa KWF tulad ng ating napagkasunduan sa KM3)

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: