MUKHANG EWAN :)

 –

Pag nagmamahal ka, mukha kang ewan,

Nangingiti mag-isa, nakatitig sa kawalan,

Kinakausap magdamag, ang isang larawan,

Nangangarap mahawakan, ang ulap at buwan….

Pag nagmamahal ka, mukha kang ewan,

Laging nakaayos, nakaharap sa malaking salamin,

Pasipol-sipol, kumakandirit, namamasyal sa hardin,

Paulit-ulit humihimig, inaawit paboritong awitin…

Pag nagmamahal ka, mukha kang ewan,

Laging naliligo, hmmm, ang bango naman,

Laging maayos, wow, hataw sa pormahan!

Laging pa-“cute”, nilalanggam sa lambingan!

Pag nagmamahal ka, mukha kang ewan,

Tila lumilipad,  sumasabay sa ihip ng hangin,

Wari’y matapang, walang mahirap na suliranin,

Iniipit, pinipitpit, pinipilipit, sige lang, sugod pa rin…

Pag nagmamahal ka, mukha kang ewan,

Nagmamadali, may nais yatang masilayan,

Hindi mapakali, di tumitigil, parang sinisilihan,

Parang nais tumalon, sa pagbaba ng hagdan..

Pag nagmamahal ka, mukha kang ewan,

Pinagbabawalan na, nagmamatigas pa rin,

Mukha nang tanga, nakatawa pa, labas ngipin

Katwirang malupit, “In-lab ako eh, hanap ka rin!”

Pag nagmamahal ka, mukha kang ewan,

Di ka na pinapansin, sarili’y ipinagpipilitan,

Giliw pala’y may irog, irog ay may kasintahan

Taas-kilay lang, ayaw pa ring sumuko, panay ang laban…

Pag nagmamahal ka, mukha kang ewan,

Lahat ay gagawin, mahal ay maligaya lamang

Minsan nga, buhay pa ay ipangsasanggalang,

Di papayagan ang malupit o naglalaro lamang…

Pag nagmamahal ka, mukha kang ewan,

Ganon talaga eh, ikaw ay tao lang naman,

May pusong tumitibok, may kakayahan,

Umibig, naninindigan,  usigin man ng karamihan…

Pag nagmamahal ka, mukha kang ewan,

Pag nagmamahal ako, mukha akong ewan,

Pag nagmamahal sila, mukha silang ewan,

Ay siya na, lahat na tayo, MUKHANG EWAN!

EWAN SA PUSONG SUGATAN NA, DI PA RIN MATUTONG MAGSABI NG “EWAN!”…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 12, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 11 Comments.

  1. ewan nga bakit nga ganun! haha, nasabi mo na lahat ah!

  2. Gaano ba kasarap ang pagmamahal na ‘yan at di maiwan-iwan… 
    Pag nagmamahal ka, mukhang ewan.
    Nasasaktan na nga, lalo pang ninanamnam… … Para talagang EWANG HIBANG! 

  3. mukhang ewan na talaga, nawawala na sa tamang katinuan at di na rin maayos kausap kadalasan… nawawala ang pinag-aralan, nagiging sunod-sunuran sa pusong tinutusok ng karayom at sa utak na nilalanggam…

    ewan nga ba kung ba’t ganito at ganyan… ang hirap maunawaan…

  4. Ewan ko ba sa Pag-Ibig na yan. Hahaha 🙂

  5. ewan ko lang ha… pero parang… ano.. yung… AH EWAN…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: