KaRapatDapat….

(pagmamahal na tunay, kanino dapat ialay?)

Sino’ng karapat-dapat sa pag-ibig na wagas?

Sino’ng nararapat, makasama hanggang bukas?

Sino’ng makapagsasabing, “Mahal kita binibini”?

Nang bukal sa loob, nang walang pag-aatubili?

Sino’ng nais mamasyal, kasama ko,

Doon patungo, sa malawak na paraiso?

Sino’ng nais tumangan, sa ‘king mga kamay,

Maging kaagapay, sa habang buhay?

Sino’ng aking mapag-aalayan,

Pag-ibig na walang hanggan?

Sino ang nais magdulot ng saya,

Sa pusong nagnanais ng ligaya?

Pag-ibig at pagkalinga sana’y dala-dala,

Nang hindi masayang aking pagsinta,

WALANG IWANAN, sabi nga nila,

Sa HIRAP man o sa GINHAWA…

Siyang magkakalinga, dumating man ang bagyo,

Siyang yayakap, dumating man ang delubyo,

Siyang kakapitan, mayanig man ng lindol,

Mula sa mapanira, siyang magtatanggol…

Mawalan man ng bigas, siyang katuwang,

Mawalan man ng ulam, lubog man sa utang,

Siyang papahid ng luha, hirap di iindahin,

Hawak kamay, atin itong sasalubungin…

Di man maging perpekto ating pagsasama,

Asahang di kita paghahanapan ng higit pa,

Ang hiling lamang, nawa’y bigyang kalinga,

Pamilyang binuo ng puso’t kaluluwa…

Darating ka pa ba sa buhay kong  ito?

Ang tagal mo naman, naghihintay ako,

Hihintayin kita, sana makita yaring puso,

Tumitibok, nag-aabang, sa aki’y magpapasuko…

(Taguan, pung! asan ka na ba? Pambihira…hinihintay kita ha? Di ba makatakas sa mga nakabantay? Halika, daliiiiiii, itatakas na kita ha?…. Kapit ka, iyakap mo ang iyong mga bisig sa aking bewang, uyyy wag naman sobrang higpit, mamaya na lang, pagdating sa paroroonan… lilipad tayo ngayon….huwag kang maingay ha… ako kasi si ……DARNA!!)

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 11, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 28 Comments.

  1. c maestro ba sis ayaw? ahihihi
    darating din yan sis. wag lang mainip. chillax lang😀

  2. Manul-nulat ng Bayan

    hahaha, natawa ako at nakilig sa unang puna…..

  3. kung ikaw si darna.. nasaan si ding… hehehehhe…

  4. Sino nga kaya ate ang karapat dapat? Tsk tsk.. mga naghihintay pala tayo eh. hahaha xD

  5. ay ngayon ko lang ito nabasa! pambihira…sana nabasa agad, kalungkutan😦

    nais ko syang kakutsabahin dahil di siya makatakas sa mga tagabantay… kailangan ng tulong ni Darna…nakita ang inaantay… nag-aantay rin…masama nga lang ang pasok ni Darna… bumulusok, nawalan ng giya, ayun nabagok…nagpasyang matulog na masakit ang ulo…pagkagising, nahimasmasan… nais muling itakas ang nais itakas kung gusto ngang tumakas mula sa mga nakahadlang sa pagtakas…

    paumanhin.

  6. “Taguan, pung! asan ka na ba? Pambihira…hinihintay kita ha? Di ba makatakas sa mga nakabantay? Halika, daliiiiiii, itatakas na kita ha?…. Kapit ka, iyakap mo ang iyong mga bisig sa aking bewang, uyyy wag naman sobrang higpit, mamaya na lang, pagdating sa paroroonan… lilipad tayo ngayon….huwag kang maingay ha… ako kasi si ……DARNA!! ” – pakisabi iyan sa aking hinihintay ha? ^_^

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: