“Feeling ko Nahubaran na Ako”

(nakatagong pagkatao, mabubunyag rin pagkalaon….)

Feeling ko nahubaran na ako,

Nailarawan ko na ang sarili ko,

Naipasilip ko na ang buhay-buhay,

Pati yata ang sa aking kapitbahay!🙂

Feeling ko nahubaran na ako,

Wari’y alam na ang iniisip ko,

Tila di na yata makakapagtago,

Bukas na bukas na ang aking kubo…

Feeling ko nahubaran  na ako,

Alam na ang aking tagong pagkatao,

Lumabas at nagpumiglas na ang anino,

Humarap na nga ng kusa sa inyo…

Feeling ko nahubaran na ako,

Nahulog unti unti, mga saplot ko,

Sa bawat araw na nagkukuwento,

Isang bahagi ko ang nakikita nyo…

Tanong ko lang, aking  mga kaibigan,

Natuwa ba kayo sa natuklasan?

Baka naman dito magkahangganan,

Ang ating mumunting ugnayan?

Basta ako, ito ang totoong anyo,

Hindi na magtatakip pa ng panyo,

Tanggapin nyo man ako o hindi,

Ako naman’y hindi nagkukunwari…

 

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 11, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 36 Comments.

  1. Walang dapat ikahiya sa isang natatanging nilalang na katulad mo. Hubad man ng buong buo, walang saplot na binalot, pumapawi ka ng lungkot..;-)

  2. kung nahubaran ka man, maraming nakasaksi sa iyong malupit na kaisipan… at marahil hindi magsasawa kakatitig ang mamboboso.. este ang mambabasa, kaya pabalik-balik sila sa iyong hardin…

  3. Ganyan talaga ang manunulat, lahat naman ay sa sariling karanasan humuhugot. The story would not be as truthful kung Hindi mo naman naramdam yung ganoong emosyon. with me ( so sorry I’m writing in English. The auto correct in my comp. is making it impossible for me to type in Tagalog) anyways what I want to say is that when I read a story or a poem I will never assume that it is a true story nor judge the writer’s life through it. Somehow for me the work itself stands alone Inspite of the writer’s personal life or experience and I don’t tend to wander if it happened or not.rather I think about the author’s philosophy or what they are to say or just take pleasure on the emotions they are trying to evoke. Nothing to worry dear.

    • Wow Ate Joff, I love the response (as much as I love you and Joel hahahahaha):

      “Somehow for me the work itself stands alone Inspite of the writer’s personal life or experience and I don’t tend to wander if it happened or not.rather I think about the author’s philosophy or what they are to say or just take pleasure on the emotions they are trying to evoke.”

      – Love it sobra!!!!

      -Totoo, the work is influenced mostly by the author’s philosophy on the happenings and the things around him/ her. The thoughts translate into beautiful and creative prose or poetry. The author is successful in communicating with her readers if they would be able to feel the emotions, appreciate the message and appreciate the totality of the work. That’s what I look for when I browse through the comments. Natutuwa ako pag nadadala ko sila, not because of anything else, but because I know I was able to communicate the emotions and the message which by the way takes a lot of writing creativity to do hihihi…

      Miss yah and regards to the hubby! (Oi ate, may bubwit na bumulong sa akin, bigatin si hubby, at bigatin ka na diyan sa dayuhang bansa ha? hmmmm hihihihi:)

  4. *or what they are trying to say ( typo) I just take pleasure on the emotions they are trying to evoke…

  5. Kahit pa yata ano ang isulat mo, hindi magbabago kung ano man ang tingin at pagkakakilala ng karamihan sa’yo… Andoon pa rin yung respeto… Kapitapitagan pa rin hihi (nangingiti pa yan ha) …. Ang COOL MO NGA NOH! ^_^

    • Hmmmmm…

      Kahit ano pa ang isulat ko, “kapitapitagan” pa rin …. wahahahhaha… hindi ba “kagulang-gulangan?” hihihi

      Naku naku naku…

      Pag nabasa ito ng mga katauhan sa komunidad na aking ginagalawan sa totoong buhay, sila ay mahihimatay hahahhaha…. Baka hindi lang ako huhubaran, gugutay gutayin pa nila ang aking kasuotan (yahhhhhh! pambihira!)

      Pero in fairness, some of the poems, ipinagamit ko na ng buong puso at kaluluwa sa Filipino teacher namin (weheheheheh sosyal!) para gamitin sa literary critique activity ng class nya…. o di ba bongga? ala lang, eh paano, natuklasan nung isang faculty ung blogsite ko, sabi nya, “Ma’am, ganitong ganito ang mga linya mo pag nagagalit ka…ikaw ba iteytz?” (hihihi)….tsk tsk tsk… di na nakalusot, di kaya ng konsyensya magsinungaling sa inosenteng nilalang, eh di inamin ng bonngacious (yung lang!!!)…kaya ayun meron kaming “little secret” ng lokah hihihi

      ang nakakaaliw, heto ngayon:

      1. inaabangan nya kung ano ang susunod na poem (kasi inaabangan nya ang mood ko, pag maganda saka magsusubmit ng requests hahahahah – oi to the teaher, ayan ha alam ko motibo mo hihihi)

      2. inaabangan nya ang misteryosong lalaki sa panulat (ang lokah, hinalukay talaga ang lahat ng gawa ko, kulit ng kulit dun sa mystery guy… eh kaya nga mystery guy di ba? “mysterious” kasi… pambihira, simple mathematics she cannot read hihihihi (peace teacher!)

      COOL TAYO kasi product tayo ng isang COOL na lugar hahahah (maligo ka ba naman ng tubig na kasing lamig ng yelo araw araw kung di ka maging “COOL” ) hihihi

      Froggy, I follow mo si Ate Joff ha?…ayun oh…yan ang Kagandahang Diyosa na taga COOL na lugar din…:)

      • ‘yan ang tingin ko walang nabago, kapitapitagan nga! (kaya lang baka ako lang ang may tingin na ganoon hehhe)

        Hindi ka naman gugutay-gutayin. Hihimayhimayin ka lang ng “komunidad na iyong ginagalawan”. Dahil sa maintriga ang panulat mo, malamang umabot pa sa ating COOL na lugar, tamang tama malapit na fiesta, tamang pulutanin ka hhehhe. Hala! humanda ka na hihihi

        Si teacher( hallo ma’am), sa sobrang pagkagiliw sa bulaklak ng hardin mo, mukhang nalingat at di napansin agad ang iyong MISTERyosong nilalang (ang nuno sa punso hahha) *PEACE NUNO HA* ^___^.

        basta! Basta! COol! tulad ng nagyeyelong tubig sa cool nating lugar… Freezing ‘yun.. Sabi nga di ba, (1) unang buhos itapon mo para di malamig (kung tabo ang gamit syempre (= ) (2) sumigaw kasabay ang unang buhos. Effective un pagkinulang ang Mainit na tubig sa timba….. Hihi

        Ano ba ito kung saan saan na yata naligaw ang post ko dito…
        Si ate joff, nakafollow na po…🙂

        The end….. (maya uli… ZzzzzzZzz)

        • hahahaha, oi at least may isang nagsasabing kapitapitagan no?, ayus na yan, di ako maarte hihihi

          Ay malapit na nga pala ang fiesta…oi anong pupulutanin? Walang ganun! hahahah ikaw lang at si Ate Joff nakakaalam… lagot ka sa akin hihihi… marunong pa naman ako mag-adobo ng palaka hahahahah….mwahhh!….pambihira…sabagay…hmmmm bahala na si batman sa lagay na iyan…🙂

          Si Ma’am, naaliw lang… di nya akalaing may matutuklasan sya sa mga unang buwan ng panulat… o di para syang nakapanood ng telenovela, sa panaginip nya…🙂 All the while, akala nya nasa kalayaan ako from the past X. Pero may nakitang check sa panulat, ayun nakisakay sa rollercoaster ko, nahilo tuloy, kasalanan ko pa…sakit ng bangs nya🙂

          Ay magaling, nakita mo na ang panulat ng isa pang cool, naka punta ka na pala sa site ni Ate Joff, ang tunay na diyosa ng kagandahan… bestfriend ko si brotherhood nya… katunggali sa academics nung HS pero kaibigang malupit!🙂

          tulog na at ako rin ay bibiyahe pauwi sa cool na lugar, papahangin🙂

  6. sis. dont wori lahat ata ng blogger nahubaran hehehe. ung blogger na tulad natin na ginagawang personal diary ang blog natin🙂

  7. hindi kaya exhibitionist ka? nyahahaha!!! =))

    tama naman sila…. ^^^^

    • hindi naman Queen….

      Ayoko ngang nakahantad… kasi pag sobrang nakahantad, di na peding magpaagos ng kaisipan, may boundaries na….

      Buti na lang ang mga nakakakilala sa akin dito, ala namang pakialam din kung anong gawin ko, go lang ng go… (Salamat sa Diyos! hahahaha)

  8. Napansin ko, karamihan ng mga nagsusulat base sa kanilang karanasan.at ang mga mambabasa madalas nakakarelate..

    Naging at home ka na kaya unti unti ang mga saplot mo nahuhubad. Isa lang masasabi ko, wearing your heart on your sleeves doesn’t make you a lesser person only vulnerable.. Madaming site na din ako nasalihan, maraming beses na din ako nahubaran, (at nagpahubad naman ako) pero sa bandang huli iniwan ko na ang mga maboboso este mambabasa ko sa site na iyon dahil naging tampulan ng intriga.. lumipat ako sa bagong mga viewer (sana pay per view ano?) pero mas naging maingat na kung maari wag na magpahubad ng tuluyan lalo nat bukas ang pinto..sara mo ng konti para may suspense at medyo magpataas ka ng bayad.. hahaha biro lang ang sa akin kung saan ka masaya dun ka! at least alam ko tutoong tao ka.

    • “wearing your heart on your sleeves doesn’t make you a lesser person only vulnerable.. ”

      – I agree with this, Binky… True na true… Ako kasi, I just wanted to spill out my views, my feelings, my opinions, the ME that I am and the I that’s ME… yung tipo bang NO FEAR na majudge ng iba… wala lang… if they agree salamat…if not, then pahina ko naman ito, ” My punch, my hit, my pain, my gain…”

      Kalaunan nga lang, sa paisa isa paglalathala ng kaisipan, doon sa mga sumusubaysaby talaga, ikaw ay unti unting nahuhubaran, nagkakaroon ng larawan🙂

      Sabagay, kung ang pagkakaibigan o anumang relasyon ay lalalim, mas mabuting nakahantad…sa taong karapatdapat… para bago pa man lumalim ang nararamdaman, may option pang tumalikod… huwag lamang bastusan kasi kawawa naman ang taong nagpakatotoo, labis labis na masasaktan…

      hmmmkung pay per view ito, mayaman na tayo hahahahahahah!!!!!

      Mabibili ko na ang Pilipinas! (ambisyon talaga eh no?) hihihi

  9. salamat sa jacket ha? pedi bang akin na lang?

  10. biglang nagplayback sa isip ko ang kanta ng matchbox20 na unwell habang binabasa ko to… ewan ko ba ..hahaha

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: