PAHINA…

(balikan ang mga bakas, saya’y wagas na wagas)

Aking binilang mga pahinang may sayang nanahan,

Aking sinilip bawat isa, kinapa ang kaligayahan,

Napangiti, nakakatuwa pala ang bugso ng damdamin,

Umaapaw ang mga kathang, sa akin ay sumasalamin…

Aking napansin, may apat na klaseng pahina,

Pahina ng pag-ibig, puso’y natutuwa,

Pahina ng lumbay, puso’y nagdidili-dili,

Damdaming may luha at saya, huling-huli…

Pahina ng buhay, akin palang hinimay,

Pahina ng opinyon, maanghang ang banghay,

Pagtakatak, pagtipa, katha’y  may banyuhay,

Lahat  sinasalamin, buhay kong taglay…

Nais mo bang sumama, tayo’y magbaliktanaw?

Halika, silipin, ang aking bangang umaapaw,

Isa isahin natin ang aking mga pahina,

Makikita natin ang mga pahinang nakatawa…

Kakaiba, kakaloka ang sinalaming kahapon,

Nagulo, nalito, sa tinahak na direksyon,

Ngunit mas nais silipin aking nakalipas,

Pagkat kaligayahan ay wagas na wagas…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 8, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: