Mga Bayani sa Panahon ng Delubyo 2012…

(Pusong busilak, wagas na kalooban, bayani ng mga hinagupit ng ulan)

Buwan ng Agosto, sa taong kasalukuyan,

Hanging-habagat ginimbal ang buong bayan,

Hindi inaasahan, hangi’y may dalang ulan,

Ulan na kaylakas bumuhos, tila walang katapusan….

Mga mamamayan, nakulong sa mga tahanan,

Sa mga daan, puno at  poste’y nagbagsakan,

SA mga kabundukan, mga bata ay naglaglagan,

Lupa nababad sa tubig, gumuho kalaunan…

Sa ganitong panahon at pagkakataon, tayo ay saksi,

Mga ordinaryong mamamayan, naging mga bayani,

Tinulungan si Nene, makalabas mula sa bintana,

Tinulungan si Lola, makatawid sa maitim na baha….

Tinulungan si Manong, makaalis sa basang bubong,

Tinulungan si Kuyang nasugat, sa pagamutan ang hantong,

Tinulungan si Nanay, hagilapin kanyang mga inakay,

Tinulungan si Tatay, sinupin mga gamit sa bahay…

Hindi alintana ang ginaw na nadarama,

Hindi alintana ang panganib sa tuwina,

Hindi alintana ang lahat ng nakaamba,

Makaligtas ng mga kasama, siyang layon nila…

Hindi nila inaasahan  ang medalyang ginto,

Nais lang nila, lugaw na mainit at pamalit na tuyo,

Pagkatapos ng sandaling pamamahinga,

Sugod na naman sa pagsagip ng mga pamilya…

Mga tunay na bayani, tunay na karapat-dapat,

Tingalain at pasalamatan, gamot sa kanilang mga sugat,

Pahinga pagkaraka ay kanilang kahilingan,

Kanilang mga pamilya, siya namang uuwian….

Mga kababayan, sabay sabay humaharap sa suliranin,

Walang mayaman at mahirap, lahat ay nangingilin,

Nagdarasal na mga buhay ay huwag naman sumablay,

Hiling sa Maykapal, tao’y kasihan ng kalinga  at patnubay…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 8, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. Manul-nulat ng Bayan

    saludo para sa kanila!

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: