Hindi Makapagsulat…

(kung ang puso at isipan ay nagpasyang maghiwalay, katha ay nawawalan ng saysay)

Isang buong maghapong naghahanap ng inspirasyon,

Walang pasok, walang magawa, masama ang panahon,

Nagtataka, pangungusap ay lubhang napakailap,

Tila hindi ko mahuli, napakahirap mahagilap….

Tila natutuyo ang tinta, nakapinid ang labi,

Kaisipang dating umaagos, tila walang naitabi?

Hindi makapagsulat tungkol sa buhay,

Wari’y hindi makita na ito ay may kulay,

Hindi makapagsulat tungkol sa pag-ibig,

Wari’y nalunod ito sa ilalim ng tubig…

Hindi makapagsulat tungkol sa kalungkutan,

Wari’y pati utak ngiti ay nawalan….

Hindi makapagsulat tungkol sa kaligayahan,

Wari’y saya ng buhay ako ay tinakasan…

Hindi makapagsulat tungkol sa panahon,

Wari’y kumulog, kumidlat, hanggang dapit-hapon…

Hindi makapag sulat tungkol sa pag-asa,

Wari’y mas meron ang mga mambabasa…

Hindi makapagsulat tungkol sa paglaban,

Wari’y nanghihina na ang aking kalooban…

Hindi makapagsulat  tungkol sa damdamin,

Ako ay nadudurog, aking aaminin…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 8, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 5 Comments.

  1. theworshipwarriorbride

    ikaw lang talaga ang kilala ko hindi makapagsulat na maraming nasusulat hahaha… hello ate!

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: