Nais kong Magalit :(

Ako ay bigyan ng pagkakataon, nais kong magalit,

Sa mga mapagsamantalang, ibang buhay binubuwisit,

Ang kapal naman, ng inyong mga pagmumukha,

Bakit naman sinasamantala, tiwala ng mga dukha?

Isang kalokohang wagas, isang pagkukunwari,

Sa harap ng marami, kabutiha’y ipinagmamalaki,

Pananamantala, nakakatulugan mo pala?

Pagkagahaman, kinagigiliwan mo ba?

Ang kapal ng mukha ng ibang tumutulong,

Kamera ng media kailangang gumugulong,

Di makapagtrabaho ng walang nakakakita,

Nais may makakasaksi sa lahat ng gawa…

Matapos ang drama, matapos ang palabas,

Ang ganda na naman, ngiti ng mga hudas,

Buong akala, bobo ang lahat ng nasasakupan,

Na sa kanilang pagpapanggap, sila’y papalakpakan…

Mas higit na kahanga-hanga, mga bayaning maralita,

Pagtulong sa iba, panganib hindi alintana,

Sugod, talon, kahit walang kasangkapan,

Ang tanging layon, mga buhay maagapan…

Mga bayaning tapat, pag uwi sa tahanan,

Pritong galunggong ang nakahain sa hapunan,

Hindi dumadaing, ni hindi humihiling,

Sa kanilang pamilya, sila’y bayaning turing….

Posted on August 7, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: