Dasal para sa mga Nasalanta….

Aming Mahabaging Ama sa Langit,

Aming taos pusong hiling,

Nawa’y ang sarili, sampu ng mga mahal at kaibigan,

Iyo po sanang ingatan,

Sila po ay nasa gitna ng lansangan, sinusugod ang malakas na ulan,

Sila po ay nilalamig, nabasa na lahat ng kasuotan,

Sila pong walang matuluyan, inagos na ang tahanan,

Sila po ay naglalakbay, nais umuwi ng bahay,

Sila po ay nakakulong,  sa baha ay di makalusong,

Sila po ay walang makain, kusina ay lubog na rin,

Sila po ay walang kasama, nag-iisa habang tubig ay rumaragasa,

Sila po ay walang dagitab, kandila ang tanging kasama,

Sila pong nagkakasakit, sa hirap na sinapit…..

Kami po ay humihiling ng awa, sa kapahamakan sila ay ilayo…

Kami po ay nangangako, buhay na ipinahiram aming pagyayamanin….

Kami ay nagsusumamo, nawa’y kasihan Mo kami ng awa at kalinga….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 7, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 14 Comments.

  1. Amen. Makakaahon din tayo sa gitna ng unos na ito ..Manalig lang tayong lahat!

  2. amen. makakaraos din tayo sa unos na to…

  3. Amen..
    Mag-iingat kayong lahat…

  4. Manul-nulat ng Bayan

    ang delubyong nararanasan ng kapwa nating Pilipino ay paulit-ulit na pangaral ng panahon at ng Diyos,,,,,,pakatantuhin naman sana natin ang mga kaganapang panay paulit-ulit nangyayari….

    • Actually, lightning don’t strike in the same place twice…..

      Ang pangyayari ngayon ay hindi katulad kundi higit kaysa nakaraan…

      Aking naramdaman, habang sumusugod sa kulog at ulan,

      Panahong nangangalit, salamin ng damdamin ng langit….

      Mga taong di nagbabago at makukulit, delubyo’y humahagupit….

      😦

    • naway matuto at maging handa…di talaga alam kung kailan mulingtatama

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: