Da WHO?

(di mawarian kung sino ngunit alam mandin kung sino…magtanong  na nga ng,  “da who”?)

Da WHO itong magnanakaw diumano,

Pusong pakalat-kalat, inilagay sa baso,

Dinala sa ulap, naglakbay sa langit,

Ipinasyal sa hardin, sitsiritsit umawit?

Da WHO itong swabeng swabe,

Minsa’y madaldal, minsa’y wa’ sabe,

Hindi nasusuklay, buhok nakalaylay,

Makintab lahat, pati kanyang kilay?

Da WHO itong tintang matindi,

Sa opinyon di nagpapahuli,

Matikas, lumalaban, di umaatras,

Sa mga usaping  walang kakupas-kupas….

Da WHO itong aliw na aliw,

Sa mga banat na tila baliw,

Mas nais maging makulit,

Sa usaping humahagupit…

Da WHO itong “Da WHO”?

Minsan ang tanong ay “WHO”?

Sino na nga ba itong  DA WHO,

Natutuwa sa isa pang DA WHO?…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 7, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 16 Comments.

  1. haha. parang may kilala po akong ganto. mihehe.😀

  2. theworshipwarriorbride

    hahaha…kilala ko ata ito ate? hahaha
    “sinetchn itey?” lang ang peg hahaha

  3. Manul-nulat ng Bayan

    si maestro iyan,,,hahaha….da who? tama ba ako….hehehe

  4. parang blind item lang.. ehehehehehe

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: