Ang Bagong Sibol…

(Tugon-tula sa KABATAAN sa pahina NINA RESIDENT PATRIOT AT KULISAP)

Ang mga bagong sibol ay di dapat diktahan,
Sa murang gulang, hayaang mabukulan,
Hayaang madapa, hayaang masugatan,
Upang sa pagtayo, may bagong matutunan…

Paano nga ba sila nagiging kapakipakinabang?
Simulan natin sa pagpapalaki ng magulang,
Ang unang paaralan ay ang loob ng tahanan,
Sila ba ay nagagabayan, napapangaralan?

Tama na igalang ang kanilang mga pananaw,
Lalo na kung kanilang kaisipan sa inyo’y halaw,
Pangarap nina Ama at Inang di natupad,
Huwag iaasa, may sarili silang mga lakad…

Sa bawat pagharap sa hamon ng murang buhay,
Tatag at paniniwalang nabubuo, naisasabuhay,
Lumalabas ng kusa ang kanilang tunay na kulay,
Saka lang makikita kung makakapamuno ng husay…

Kabataang Filipino, pag-asa ng bayang naghihingalo,
Kabataan, handa ka bang magbigay ng iyong serbisyo?
Handa ka bang gumuhit ng bagong larawan ng bayan?
Ng di sumasabog ang  tinta, di napupunit ang kapapelan?

Maraming pagdadaanan ang isang bagong sibol,
HIndi magiging madali, baguhin ang isang kuhol,
Natutuwa sa sulok, bukana’y natatakpan ng usok,
Kailangang piliting lumabas, mula sa silid na nabubulok…

Ano ba ang nais ng mga katandaan mula sa mga kabataan?
Ang maging sila ang mga ito at sundan mga yapak sa hagdan?
Mundong inyong kinagisnan ay iba sa mundong kinamulatan,
Ibang sanhi ng suliranin, iba din ang nararapat na katugunan…

Gabayan silang manimdim mula sa aral ng kahapon,
‘Wag mangiming magtanong, sa mga pantas ng lumang panahon,
Pagsamahin ang katalinuhang sa karanasa’y may pinaghuhugutan,
At ang mga resulta ng pananaliksik ng makabagong kaisipan….

Paghimay- “KABATAAN”:

KA – ikaw o ako , sino sa atin ang kikilos?
BA – “bata” – bagong sibol may dalang bagong pag-asa, “ba” – sa wikang Filipino, kalimitan ginagamit sa hulihan ng salita upang humingi ng pag-sang-ayon
TA – tayo – nag-iisa ay mahina, kapag nagbuklod, mga halimaw ay maihuhulog sa gulod…
AN – “anyare?” – tanong ng karamihan, mula pag gising hanggang pagtulog…

KABA – pag-aalala, agam agam sa kahihinatnan ng kinabukasan
BATAAN – bayan na tinatakan ng magiting na nakaraan (positibo); buntot o utusan, paborito o SIPSIP (Socially Insecured Person Seeking Instant Popularity – negatibo)
TAAN – “saan?”, nabulol na, tulad ng di natin maaninag minsan ang liko likong daan

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 5, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 6 Comments.

  1. salamat sa post na ito, para sa ating lahat ang mga payo at aral na nakalatag dito…

  2. Malinamnam. Parang gatas ng kalabaw
    Mainam sa katawang mahinain

    🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: