“Wa’ sabe”…

(tanong lang ng tanong, kasaguta’y aking ibubulong)

“Anyare?”, takang tanong,

“Wa’ sabe”, tugong pabulong…

Minsan, katanunga’y nariyan lamang,

Walang katugunan, tila nakatiwangwang,

Tatahimik, maghihintay ng kasagutan,

Nakatulog na, wala namang katugunan…

Minsan, tugon ay dagliang dumarating,

Mukha’y nagliliwanag, mata’y nagnining-ning,

Detalyeng nais, nabibigay ng agaran,

Hindi naiiwang nakatingin sa kawalan…

Minsan nauutal, dila’y natitigilan,

Minsan madaldal, di ata mapigilan,

Minsan, kailangan lang pakiramdaman,

Tugon ba’y para sa iyo o para sa karamihan?

Isa lamang ang nakikitang kagandahan,

Kung may tanong, maaring may kasagutan

Kung may kasagutan, tiyak may kausap,

Kung may kausap, di ka lamang nangangarap…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 4, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 17 Comments.

  1. hmmm….

    kailangang makuha di ba?

    kasi kung hindi, sasakit ang bangs🙂

  2. parang ang usapin ay hindi tungkol sa tanong o sa sagot.. kundi sa nagtatanong at sa tutugon sa tanong… hmmm…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: