Tintang Tumatapon

(magsulat nang magsulat, lahat isiwalat)

Tintang nakangiti

Tintang nakangiwi

Tintang nag-aalab,

Parang apoy, nagliliyab,

Tintang tsismosa,

Tintang nagdududa,

Tintang nagluluksa,

Dama, bawat salita,

Tintang umaayon,

Tintang ikinakahon,

Tintang malaya,

Nais mapayapa…

Tintang nahubog,

Tintang nabugbog,

Tintang lumalaban,

Walang inuurungan…

Tintang masaya,

Tintang maligaya,

Tintang nagdiriwang,

Tulad ng mga ibon sa parang…

Tintang nagnanais,

Tintang nagtatangis,

Tintang may pag-asa,

May lakas ang pluma…

Tintang madaldal,

Tintang nauutal,

Tintang tapat,

Salamin ng lahat….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 2, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 30 Comments.

  1. Manul-nulat ng Bayan

    tinta…….parang nakikini-kinita ko ang aking sarili na makahawak ng ganito kadaldal na pluma,,,,,hehehe

  2. Tintang bosses sa mga nakakubli at nakabibinging mga tinig….

  3. palagay ko ang tinta ng pluma mo ay parang iced tea sa restaurant, bottomless kaya’t walang puknat ang pagsulat. 🙂

  4. “Tintang madaldal,

    Tintang nauutal,

    Tintang tapat,

    Salamin ng lahat…”

    tintang umaapaw, nagsusulat kahit pa pagal… tintang namamahinga, itatabi muna ang pluma. hello, honey! 😉

    • Hello Sis….

      Ang iyong dugtong ay isang payong isasaalang alang… nakatulog na rin maghapon, kulong sa silid, tulog lang ng tulog… pagbangon, tipa, kain, kwento, tipa, pambihira 🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: