Nalasing na Puso

” Pasuray-suray, hik! Asan na nga ba ang bahay? hik!”

Pasuray-suray ang pusong nalasing,

Pagewang-gewang, wari’y antok, pero gising,

“Hik! saan na nga ba ang aking tungo?

Pambihira, nalasheng na naman hako…”

Nagsimula sa isang tagay,

Sumisigaw pa nga ng kampai!

Masayang nakipagpalitan ng tagay,

Sa tanggerong ubod ng husay….

Ngunit tila ata nasobrahan sa toma,

Sa pader, puso na ay tumatama…

Kailangan nang mangunyapit,

Dahil lakad na ay sobrang pilipit….

“Hik! Bitawan nyo me, hende me lasing!”

Kakulit naman ng pusong nahuhumaling,

Kaysarap namang ibala sa kanyon,

Kaysarap namang ipakain sa leon!

Napakamot sa ulo, puso ay nais ibato,

Pambihira, kasing kulit na ng kuto,

Bakit kasi uminom, mahinang sadya,

Pagkatapos, uuwi, naliligo sa luha?

(Pambihira, ang kulit ng pusong lasing na ito!)

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 2, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 8 Comments.

  1. Manul-nulat ng Bayan

    mahirap talagang malasing ang puso……magdudulot ito minsan ng pamamanhid at may pagkakataong hindi mo na maibabalik ang natural ng tibok nito…..

    • “may pagkakataong hindi mo na maibabalik ang natural ng tibok nito…..”

      kung nalunod na sa alak, kailangang magpahulas,
      Maaring mundong ginagalawan maging pangahas…

      • Manul-nulat ng Bayan

        matuwid ngang sabihing ganito ang dapat subalit kung di ginagawa ay wala ring halaga,,,,,,
        ang pagkalasing ng puso ay pagkatulog ng damdamin at pagkamanhid ng pakiramdam….

        • Napakamakahulugan ng iyong tinuran…

          oo nga naman,

          kaygandang tumipa ng nararapat gawin,
          kumbakit sadyang napakahirap gawin?
          maaring ang isipan ay lumalaban,
          natatakot sa isiping maiiwan…

          pambihira! tsk tsk tsk….

        • palagay ko sa babae, oo, ito ay karaniwan…
          mas emosyonal kasi at mas matagal humawak ng damdamin….

          ewan ko lang din ha? siguro iyan ay sa karamihan… di ko alam ang iba, mukhang kakaiba…

  2. Manul-nulat ng Bayan

    hmmmmm,,,,parang sa iyo ay karaniwan kung gayon,,,,,,at kung gayon, karaniwan nga….

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: