Hirap Naman Ngumiti…

(sigh, ang hirap naman ngumiti… wala bang kikiliti?)

Ang hirap naman ngumiti,

Wala bang kikiliti?

Maghapong masakit ang ulo,

Ako pa ay tinatarangkaso.

Maghapong subsob sa trabaho,

Kahit na minsa’y inuubo,

Ngayon pa ako’y magmamaneho,

Sa ulan, lulusob na naman ako…

Ang hirap namang ngumiti,

Mabigat ang kilos tila nakasusi,

Sinubukang makipaghuntahan,

Pagkatapos, di rin naman nasiyahan…

Kung ikaw ba ay may karamdaman,

Ano ang iyong hiling kadalasan?

Di ba pahinga ay ipagkaloob,

Sa kumot ay magpalukob?

Isang pangarap ang nagpangiti, tila may layon,

Darating ang panahon sa ganitong pagkakataon,

Sa oras na katawan ay bumigay sa lagnat at sipon,

May isang kaluluwang yayakap sa maghapon…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 2, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 15 Comments.

  1. Manul-nulat ng Bayan

    hwag mong piliting ngumiti at baka ika’y mahirapan…….bukas naman ay subukin mong ngumiti muna bago magpagal ng sarili para naman masubukan mong ngumiti ng tunay sa isang araw

  2. Manul-nulat ng Bayan

    mabuti kung gayon,,,,,

  3. Manul-nulat ng Bayan

    droga talaga?????hmmmm,,,,,,,,baka maover dose ka,,,,,hehe

    • sabi ni saliw, para daw akong adik lang 🙂

      hepapano, ayaw tumalab, nung isang araw pa… pinalitan ko na… nalalasahan ko naman sa pagdighay ko 😦

      pambihira!

      • Manul-nulat ng Bayan

        hmmmmm,punta ka kaya sa kwak doctor,,,hehehe

      • Ay, yoko sa kwak! 🙂 …. magdidikdik ng kung ano anong dahon, tapos may mga inihahalo, tapos ipapainom sa iyo…may mga dasal na pabulong na di maintindihan… takot ako sa di maintindihan, mamaya kung ano ang dasal…. tapos may tapal tapal, tapos sasabihing may nasagi ako o may naapakan…. hmmmmm…. palagay ko titiisin ko na lang itong masagwang lasang droga 🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: