Zero visibility…(Di Maaninag)

(di makita, di matanaw, nakatago sa balintataw…naghahanap ng linaw)

Isang buntong hininga,

Hawak sa manibela,

Pinaandar ang makina,

Pumikit, nagdasal muna…

Nakatingin sa di makitang daan,

Nasa baba ang buong kalangitan,

Nakayakap sa lupa at sa akin,

Tila yelo ang simoy ng hangin…

Malakas ang hampas, tila bumabagyo,

Parang sumasalamin sa buhay ko,

Nakayuko ang mga puno, bali ang mga sanga,

Nagkalat sa daanan, dahong nalagas na….

Mga bato sa gilid ng bundok, inagos,

Mga kabahayan, nawala sa ayos,

Kalsadang madulas, kurbada’y nakakatakot,

Malingat sa pagliko, kapahamakan ang dulot…

Dahan, dahan, di makausad ng mabilis,

Daang kayganda sa umaga, tila nagtatangis,

Ayaw magpakita, magkubli ay nais,

Sa nakikiraan, nagsusungit ng labis….

Takbo lamang, parang pagong,

Dasal ng dasal, nawa’y matibay ang gulong,

Matatalim na bato, nakaharang na kahoy,

Malampasan sana, sa tahanan ang tuloy…

Pangamba ng puso ay labis-labis,

Lulan nga ng sasakyan, kaba’y di mapalis,

Paano kung may humarang, taong mabangis?

Sumigaw man ako, saklolo’y walang tatalilis?

Napakagandang paraiso, pagtaas ng  araw,

Napakamapanganib, sa gabing mapanglaw,

Ito ang aking dinaraanan araw-araw,

Tapang at tatag, sa kanya’y hinahalaw…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 1, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 15 Comments.

  1. hmnn… di ko rin masyadong like, hmnn… it must be the weather, my dear. it’s drab, nowadays and it could get on on’e skin. hmnn… and i say, yes, the roads are pretty dangerous, kailangang mag-ingat… pero, sus, sa banyo nga, minsan, nadudulas din tayo sa sabon. ^^ masarap ang hangin pag nagda-drive na malamig ang panahon, as in. cheers! 😉

  2. theworshipwarriorbride

    Dear Abba,

    I pray that would come and shower us with your peace and comfort.
    Calm the raging seas and the roaring thunders.

    In Jesus name,
    amen 🙂

  3. theworshipwarriorbride

    Dear Abba,

    I pray that You would come and shower us with Your peace and comfort.
    Calm the raging seas and the roaring thunders.

    In Jesus name,
    amen

  4. awww.. puro malungkot ang mga katha mo honey ah… eto ang isang malupit na hug para sa aking kaibigan *hugs*

  5. Power Hug (sabi nga ni Sarah Geronimo)!

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: