Sumakay ka… Isang Paanyaya
(pinasakay, ako’y natuwa…ibinaba, ako’y naluha)
–
Tahimik na naglalakad sa kalsada,
Bitbit ang mga bagaheng dala,
May dumaang sasakyan,
Ako ay biglang hinintuan…
–
“Hello”, estranghero ay bumati,
“Halika, saan ba ang iyong gawi?”
“Salamat na lang, hindi kita kilala…”
Sagot ko sa mamang nagbigay paanyaya….
–
“Sige na”, nakangiti niyang wika,
“Ikaw ay tila wala namang kasama,
Lika, dito ka na umupo sa unahan,
Tayo’y masayang magkwentuhan…”
–
Ako ay nahalina, lambing ng salita,
Sumakay na rin kahit may pagkabahala,
Ang sarap palang umupo sa unahan,
Para akong prinsesang pinahalagahan…
–
Ang dami daming napag-usapan,
May buhay, bahay, nais, may kulitan,
“Kaysaya ng byaheng ito”, nasa isip ko,
“Bakit naglalakad, meron palang ganito”?
–
“Mama, hetong bayad”, ang sambit ko,
Natuwa sa sagot, “Libre ka lagi rito”
“Napakabait naman ng mamang ito…”
Naisip ko, nahaplos niya ang damdamin ko…
–
Araw-araw, sa sasakyan nya ako ay lulan,
Kwento at kalinga, parang ako ay nasa duyan,
Kay bilis ng oras, di ko namamalayan,
Ako pala ay nakarating na sa aking patutunguhan….
–
Ngunit isang araw, ako ay nabigla,
Unaha’y may sakay, bakit ako’y naluha?
“Dito ka na lang sa likuran,” ani niya,
“Ganun din naman, kaibigan pa rin kita”…
–
Sinubukang umupo sa likurang bahagi,
Sinubukan na maging pipi at bingi,
Ngunit saya at ligaya aking naririnig,
Masakit sa ulo, ako ay natutulilig….
–
Parang araw-araw na parusa ang nais niya,
Sana huwag namang ganun, may nagdurusa,
Hindi masaya ang masipa sa unahang upuan,
Lalo na’t ito ay nagbigay ng lubos na kaligayahan….
–
Posted on August 1, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 22 Comments.
Magtatawag na lang ako ng taxi para sa’yo kaibigan. 🙂
Salamat D’L.I….
Isang
🙂
Kahit
😦
qualified ang like sa itaas, ha. iyan ang like na pinag-isipan ko… 🙂
hmmmm like na pinag-isipan?
pinag-isipang hindi i-like. malumbay kasi… 😉
ang pag like ay pag sang ayon sa di tamang gawi….
malumbay dahil sadyang ginamitan ng luha sa paghabi…
Tulad ko nag-iisip kung tamang i-like ba ito… Ni-like ko na rin baga…
Ang hirap pag nakasanayan na yung kinagawiang kilos.. Pagbigla may nagbago nakakasama talaga ng loob… 😦
hindi maintindihan ang tadhana….
natutuwa pag nagbubuhol-buhol ang mga buhay….
ang pag-like ay tanda ng pag di-sang-ayon sa hindi tamang gawi…nakakasagasa…
ang sad… 😦 parang naalala ko yung pinanood namin kagabi “one day” 😦
😦 …. isa sa mga kathang pinakamalungkot….
uu nga 😦 nakaka-miss pa naman yung mga moment na nasa harap nakaupo…huhuhu
oo nga Warrior…..
masaya sa unahan, parang kasiyahang walang hanggan…
kita mo ang lahat ng madadaanan,
kita ang kagandahan ng kapaligiran,
dama na pinapahalagahan…. 😦
😦 may naalala ako…huhuhu
Paalala sa akin, sa iyo at sa iba pa,
Ito ay isang paalalang mahirap, ngunit may halaga….
“Kasama ng pag-agos ng luha, pagkahugas ng kaluluwa….
Kasama ng pagsuko, pagkahulagpos ng puso…
Kailan man ito mangyayari at magkakatotoo…
Panahon lamang ang makakapagsabi ng buo…”
Ch, pwede ka naman don sa mismong tabi nong nagmamaniobra ng manibela. May pwesto don. Hehehe
Kaliwang bahagi ba ginoong kulisap?
Ngunit masikip, magmaniobra ay mahirap,
Siguro, papara na lamang ng ibang sasakyan,
Na walang nagmamay-ari ng unahang upuan…
awww.. nalungkot ako ng bahagya..
😦
isang paglalakbay….
nawa’y matunton mo ang iyong patutunguhan…
kayang tuntunin kung lalagyan ng determinasyon…
kakayanin…
salamat kaibigan…
Ganda naman nito Ate Chilled. ahaay. Masakit nga iyan. Para kang Laruan, na pinagsawaan. At Dahil may bagong dumating, kanya itong mas pinahalagahan. Haiist. Masakit Pag nasasaktan. Pero mas masakit kapag binalewala ka ng taong akala mo’y tunay na magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Tsk tsk .
Salamat po dito… 🙂
Salamat sa pagbisita Abriil… ito ay salamin para sa marami…