Sumakay ka… Isang Paanyaya

(pinasakay, ako’y natuwa…ibinaba, ako’y naluha)

Tahimik na naglalakad sa kalsada,

Bitbit ang mga bagaheng dala,

May dumaang sasakyan,

Ako ay biglang hinintuan…

“Hello”, estranghero ay bumati,

“Halika, saan ba ang iyong gawi?”

“Salamat na lang, hindi kita kilala…”

Sagot ko sa mamang nagbigay paanyaya….

“Sige na”, nakangiti niyang wika,

“Ikaw ay tila wala namang kasama,

Lika, dito ka na umupo sa unahan,

Tayo’y masayang magkwentuhan…”

Ako ay nahalina, lambing ng salita,

Sumakay na rin kahit may pagkabahala,

Ang sarap palang umupo sa unahan,

Para akong prinsesang pinahalagahan…

Ang dami daming napag-usapan,

May buhay, bahay, nais, may kulitan,

“Kaysaya ng byaheng ito”, nasa isip ko,

“Bakit naglalakad, meron palang ganito”?

“Mama, hetong bayad”, ang sambit ko,

Natuwa sa sagot, “Libre ka lagi rito”

“Napakabait naman ng mamang ito…”

Naisip ko, nahaplos niya ang damdamin ko…

Araw-araw, sa sasakyan nya ako ay lulan,

Kwento at kalinga, parang ako ay nasa duyan,

Kay bilis ng oras, di ko namamalayan,

Ako pala ay nakarating na sa aking patutunguhan….

Ngunit isang araw, ako ay nabigla,

Unaha’y may sakay, bakit ako’y naluha?

“Dito ka na lang sa likuran,” ani niya,

“Ganun din naman, kaibigan pa rin kita”…

Sinubukang umupo sa likurang bahagi,

Sinubukan na maging pipi at bingi,

Ngunit saya at ligaya aking naririnig,

Masakit sa ulo, ako ay natutulilig….

Parang araw-araw na parusa ang nais niya,

Sana huwag namang ganun, may nagdurusa,

Hindi masaya ang masipa sa unahang upuan,

Lalo na’t ito ay nagbigay ng lubos na kaligayahan….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 1, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 22 Comments.

  1. Magtatawag na lang ako ng taxi para sa’yo kaibigan. 🙂

  2. qualified ang like sa itaas, ha. iyan ang like na pinag-isipan ko… 🙂

  3. theworshipwarriorbride

    ang sad… 😦 parang naalala ko yung pinanood namin kagabi “one day” 😦

  4. Ch, pwede ka naman don sa mismong tabi nong nagmamaniobra ng manibela. May pwesto don. Hehehe

  5. awww.. nalungkot ako ng bahagya..

  6. Ganda naman nito Ate Chilled. ahaay. Masakit nga iyan. Para kang Laruan, na pinagsawaan. At Dahil may bagong dumating, kanya itong mas pinahalagahan. Haiist. Masakit Pag nasasaktan. Pero mas masakit kapag binalewala ka ng taong akala mo’y tunay na magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Tsk tsk .
    Salamat po dito… 🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: