Ang “Hula”…. bow…

Wala lang.

May staff kami rito na ewan kung ano ang nakain, nagpapirma. Tapos sabi sa akin, “Ma’am, gusto mong tingnan ko ang palad mo?”

Hmmmm… wala naman akong masyadong ginagawa so pinatulan ko na rin.

Hinagod hagod, sinipat sipat ni Alex (di totoong pangalan, at oo, hihihi, alanganin ang kanyang kasarian) ang aking mga palad.

Tapos heto ang summary ng basa nya, hindi lahat sasabihin ko at baka masama pa kayo sa buhay ko, hihihi. Eto na lang:

– marami daw akong bagyong pinagdaanan at nalampasan (aba’y oo naman)

– hindi ko daw problema ang pera, dumarating (naku, hindi ko alam kung ito ay tama, kaya nga ako kayod nang kayod eh, hmmmm ano kaya yung “dumarating”?)

– malalim daw ako magmahal, di ko daw iniisip ang sarili ko (hmmmm agree ^_^)

– at may “misteryosong” lalaki sa buhay ko ngayon pero may isang anino sa likod ng lalaki

(wahahahahahh, ayan, natumba na ako…. at “misteryoso” talaga ang term na ginamit! kainaman!)

marami pa…. ganito….ganyan…. aba, in fairness ha, tama sya…karamihan….

O sya… ang sumunod, Tarot Card Reading…

Balasa, 3 times, bumunot ako ng ng card, itinabi nya…. inihanay nya, ung natitira tila may hinahanap. Tapos ayun, ipinakita ang aking napiling card:

Aba nakakagulat!!!!

Mantakin nyo bang ang card ay “CUPID”!!!!????!!!! (Pambihira, kailan lang gusto ko nga syang sabunutan eh, remember? )

Sumakit na ang bangs ko hihihi

Anyway, heto ang nakalagay sa card:

Masculine cupid is creating love in your life by frivolously firing arrows at someone’s heart. But his love is random, spontaneous and playful. If you have fallen in love, love will surely grow as surely as roses. Love is in the air.

If the one you are in love with has not called you, soon he will. Like Cupid, he is playing a game to battle your will. If you have had an argument, your lover will contact you before you contact him.

Sigh…..sigh…..sigh…..PAMBIHIRA!!!!

Akalain mo yan? (Napakamot tuloy ako ng ulo hahahahaha)

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 27, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 45 Comments.

  1. CH, alam mo bang tahimik ko nang sinusundan ang posibleng love story na nabuo.

    napaka-powerful ng panulat at hindi lahat may pagkakataong mabigyan ng tyansang tulad nito. 🙂 hehe

    • Hi Ani!

      Namiss ka ng pahina ko….pramis!!!

      Naku, tanungin natin si Kupido kung ano ang plano ng diyaskeng bata…. hahahahah

      may milagro
      may misteryo
      may panahon
      may pagkakataon
      may tadhana
      may tapang
      may karuwagan
      may kagustuhan
      may nais ayawan
      may mahal
      may away
      may sulong
      may urong

      Lahat iyan ay isang malaking tandang pananong, Ani hihihi

      Missyah!!!

      • sabi dun sa desiderata, ‘don’t be cynical on love because it is like a perrenial grass’

        Hehehe!

        Tamang panahon at pagkakataon pero all in all, everything is a choice.

        🙂

        • Yes Ani, everything is a choice.

          We just have to be responsible for the consequences or gains…

          Mahirap man minsan, kung nanaisin, yun ang babalikatin.

          FATE takes care of that which we cant entirely hold in our hands, that is also when we have to go back to our FAITH….

  2. ~mr. cupido… ako nama’y tulungan mo… bakit ‘di panaain ang kanyang damdamin, ng ako naman ay mapansin.. bakit parang trip na trip kong kumanta ngayon.. ay ewan… gawain ko dati ang pekeng pagpapahuli, para maka “chansing”.. then hihirit ng mga katagang “ang lambot pala ng kamay mo, pre…” aguy!

    • hihihi

      naku Potpot, ang aking mang huhula ay malndi pa kesa sa akin hahahaha

      Kaya nga hinayaan ko ngang hagurin at sipatin ang aking mga palad….

      Tila nauuso ang videoke dito sa WP hahahahaha…

      Kantahan na!

      • oo nga.. naku, buti sana kung kagandahan ang boses ko.. kaya nga dito lang ako naglalakas loob na kumanta.. ehehehehe…

        • Ang boses ay regalo ng Lumikha.
          Hindi man ito laan sa pagkanta, may laan naman itong iba…
          Anupaman, ako ay nakakasiguro, ito ay sadyang may pakinabang!

          🙂

          • wow! tama ka… kahit boses yerong nilalagare, proud ako sa boses ko… salamat honey ha… sabini mo kay “Alex” magpapahula din ako…

            • Uy, ikaw at si Froggy na…

              Hmmmmm….

              mukhang may bago akong negosyo, ibebenta ko si Alex hahahahah!

                • sabi ko nga ke froggy, magkakatotoo ang hula nya na yayaman ako… hahahah sya (ung manghuhula) din pala ang dahilan… pambihira! 🙂

                  • sana maambunan ako ng kaunting swerte mo honey… kuha lang ako ng batsa.. yung singlaki ng olympic size swimming pool…

                    • Naku magdilang anghel ka, pag yumaman ako, bibilhin ko ang Pilipinas,

                      Heto ang aking gabinete:

                      Maestro Cup – Secretary, National Defense
                      Potpot – Secretary, DILG
                      Saliw – Secretary, Education
                      Warrior – Spiritual Adviser
                      Froggy – Secretary, Intl Affairs
                      Biag – Press Secretary
                      Apollo- Chair, Commission on Good Government
                      Ani – Commission Chair, Arts and Culture
                      Kulisap – Speaker ng Senate
                      PM – Chair, BFAD
                      Pinoytransplant – Secretary, Health
                      Myr – MMDA Chair
                      Kaydee- ilalagay kong Speaker ng Congress

                      yung iba, bibigyan ko din ng posisyon…

                      lahat nakaposisyon hahhahaha

                      Ako? hmmmmmmm….. uwi ako probinsya at magpapalipad ng saranggola….

                      Bahala na kayo sa Pilipinas, basta binili ko na sya para sa lahat…. hahahahhaha!

                    • ahahahahahahah! talagang binili lang eh no.. ehehehehehe natawa ako sa pagpapalipad ng saranggola.. ahahahaha…

                    • Aba syempre, ako na nga ang bumili eh….

                      Basta dun na lang ako sa probinsya hahahhaha

    • hala anong kaguluhan ito?

      anong teknik?

  3. *pagpapahula* pala.. ano ba ang typo… juice mio!!

  4. Pambihira! Hehhe naaliw nman ako ng husto sayo dito =))
    Pwede ko bang maging friend ang friend mo ms. Honey, makapgpahula rin… Bka si CUPID DIN ang mabunot 😉
    (pakiramdam ko nawindang ka sa kanya at syempre… Napngiti ng husto… )
    Gandang araw!

    • hihihi…

      Sinabi mo pa sis!

      Poised na poised pa naman ako habang hinaghagod at sinisipat nya ang mga palad ko… (eh kasi si Ma’am nga diba? hahahaha)

      Tapos nang unti unting nagpakawala ng kanyang mga hula, ako ay unti unting tumatawa…

      Hindi na ngiti, as in tawa na… Pambihira!!!

      Aliw na aliw naman siya…nakikita niya ang isang bahagi ng aking persona hahahaha, bihirang makita, ngunit biglang lumaya sa mga pinaggagagawa niya 🙂

      Hayaan mo, ipakikilala ko rin siya sa iyo. Magaling sya hahahaha, in fairness…

      Gandang araw din Froggy! 🙂

  5. ahaha, masarap magpahula pag gusto mo ang mga hula sa iyo, hihi… in fairness, maraming tama sa mga hula nya. tomo, nag-proceed pa sa tarot card reading, kainaman…

    oh, he will call you daw. owki na ba yown? ayiii. 😉

    • hihihi…

      Pambihira nga Saliw…

      Nakakaaliw…

      Nagising ako bigla, inaantok pa naman at wala nang masyadong ginagawa…(tapos ko na lahat eh yehey!!!) 🙂

      Ay hahahaha…. bakit kaya mas mabilis tumipa kesa magsalita????

      Isang palaisipan….

  6. ako din may naalala jan…. saan ko nga ba nakita yan? hmmmmm pambihira! 🙂

  7. Wow! never pa talaga akong nkaTry ng ganyan. hmmm. WOW! 😀

  8. Kwelang manghuhula. Hehe! =P

    • Hihihi…. Maraming salamat Adrian for visiting!

      Ayan, pinuntahan ko na rin ang iyong napakaganda at napakainspiring na pahina 🙂

      Ang manghuhula ay tunay ngang napakakwela, siya pa nga ay napanganga din sa kanyang “nakita” sa aking mga palad… Hindi akalain ng lolo na ang kanyang pinangingilangang Ma’am ay may mga kalokohan din sa buhay hahahahhahahahaha….. Pambihira!

      Muli salamat, salamat!

      Thank you, come again (with the smile that all staff of these fastfood chains would also give you hahahahahah)

  9. hello sis.. naalala ko nung college ako, my tym na naadik ako s pagppahula. every friday nagpupunta kme ng fren ko s manghuhula. may times na tama at may times na hindi.. gnun talaga. hula nga e. pero nakakaaliw talaga lalo pag may cnsb na swak na swak sau. at pag may future na maganda ang cnsb.. minsan nkaka praning na nga kc d maiwasan na hnd maniwla minsan hehehe..

    at nakakana naman sa lovelife na sinasabi. kaya paging maestroooo. go na!!! ahihih

    • wahahaahahhaahha

      Minsan lang magcomment ka-booom pa! Hello there Sis!

      Ako naman ay natuwa sa iyong panawagan… parang paging service lang hihihi!

      OO parang nakakatuwa lang na hinuhulaan ka. Para bang silip na nakakaaliw sa future. Pero syempre, hindi talaga absolute yan. Maaring sa vibes nya ngayon, hayan ang kanyang nakikita.

      Imagine…. may sinabi sya na tungkol sa misteryosong lalaki sa buhay ko…. hindi ko syempre nilagay dito ^_^… pero isang hula na alam kong tama, kasi alam ko rin pero yung karugtong na sinabi, yun pa ang aabangan ko kung mangyayari nga…. Mysterious hihihihi!

      O nakita mo ba ung ibang comment ko?

      May position ka na sa gabinete ko sakaling mabili ko ang Pilipinas hahahahah

      MIssyow!!!!

  10. Hello! Ako rin aliw na aliw magpahula! At promise, yung mga manghuhula sa Quiapo, medyo effective. Ewan ko, kahit hindi halata sa itsura nila, swak na swak. Hindi ako nagpapahula ng mangyayari future, ang laging sinasabi lang nila eh yung current activities. Ayos nga eh 😀

    • Nakakaaliw lang minsan. Pedi namang maniwala, pedi ding hindi, di ba?

      Minsan, Ice breaker lang sa buhay ang “magpahula”, yung tipong natutuwa ka na hindi mo sya kilala pero pag isinalarawan ka na nya, parang nagbabasa sya sa salamin.

      Minsan, mas maganda pakinggan ang present na nababasa nya kesa sa future. Its either kasi you will be encouraged or discouraged, tapos, wala naman talagang 100% assurance ang hula, affected ka lang.

      Hi Merry!!!! Have a happy Sunday! 🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: