Sigh, May Sayang Taglay….

(Ligayang hatid, huwag mapapatid, mabuhol man sa lubid, hahayaang sa saya ay ibulid…)

 

Namamangha na sa iyong simpleng mga kataga,

Ako’y tunay na nahahalina, naiiwang nakatunganga,

Hindi  ba’t mga iyon ay paulit ulit lang naman?

Mga nakakatuwang banat na madalas nasa palitan?

Ang sabi nga sa Bibliya, mga salita ay makapangyarihan,

Pagsabing “Humayo…”, banayad  ngunit hindi matatanggihan,

Pagsabing “Huminto!”, isang katagang magpapatigil sa paghakbang,

Tila ba ang mga paa ay nawalan ng kakayahan, biglang lumutang…

Sa iyong madalas na panambitan, iyan ay napatunayan,

Kahit ang damdamin ay nais nang makipagtaguan,

Sa iyong simpleng hiling, itong nilalang ay natitigilan,

Tila ba kaluluwa ay naipagkit sa kanyang kinatatayuan…

Saya ay tunay na taglay, mga pangungusap na may saysay,

Hindi ko kayang pantayan, paglapat ay may husay,

Tanging paghanga lamang mula akin ay namumutawi,

Sapagkat mga salita ay tunay na nag-iiwan ng ngiti….

 

PARA SA IYO🙂

 

 

 

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 26, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 17 Comments.

  1. theworshipwarriorbride

    ito na naman ang kwentong keso….hahaha…iba talaga kapag inspired…hahaha😉

  2. alam mo, napansin ko lang – ang daming dictates nyang heart na ‘yan, as in… ^^ payag ka bang parati na lang didiktahan, kapatid? ahaha… hello, honey.😉

    • hihihi….

      oo nga eh….siguro kasi matagal na napahinga,
      ngayong aryahan na naman, di na marunong magdala,
      pambihira itong si kupido, isasama ko sa kaso ni Arroyo,
      di kasi nakasama kay corona, nahuli ang reklamo ko….

      hihihii!!!!

      hello Saliw da Great!

  3. Kung ano mang ligaya yan ay maipagpatuloy mo nawa, pero lagi ka sanang mag ingat at dahil baka ikaw ay malibak..

    • Maraming salamat Myr….

      Ako ay lubos na nagpapasalamat sa paalaala ng isang kaibigang kainuman…🙂

      Hindi talaga masasabing ang ligaya ay naririyan sa bawat araw, umasa na sa pagdaan ng panahon, mayroon pa ring mga kathang bumabaha, gamit man ang luha o tuwa….

      Ang mahalaga, alam mo, aking napagtanto?

      Sandaling kaligayahan ay katumbas ng isang dekadang di pag ngiti…
      🙂

      Salamat sa iyong pagbaon ng masarap na pulutan dito sa ating napakaagang harapan hahahhaha

  4. May naaalala ako dito. hayyy. mga salita nga nman😀

  5. ayan, inspirado na ulit ang hardinero ahihi, tama ba ang tagalog ko? iba talaga pag ganitong magaan ang laman ng katha, sa pamagat palang ay nangiti na ako.. haaayy, nakakalunod… este, lumulutang talaga ang taong inlababu… whehehe

    gandang ritmo ulit as always🙂

  6. maganda ang iyong gawa.. pero sorry ha, nung nakita ko yung salitang “para sa iyo ” sa bandang huli.. nabuo yung kanta ni manny pacquiao sa isip ko… paumanhin…

  7. ‘wag aalisin ang ngiting nakapagkit..
    ^____________________________^
    (ngiti ng ganito lagi ha…)

    • hihihi naku ang laki ng ngiti…. minsang may nagsabi sa aking ang ganyang ngiti ay tila nakakatakot hihihi, para daw syang lulunukin…. pambihira!!!

      Anyway, thanks so much sis…🙂

      Life is really very unpredictable, imperfect.

      I may be investing a lot on emotions on someone right now (and that may or may not have positive results later) but you see, the good part of it, no matter what happens, is that I get to share such beautifully crafted poems (as the comments say hihihi, I thank those who appreciated, sincerely …. ^_^….).

      The poems will stay and will continue to make others smile, frown, grin, hope, dream, even if everybody goes away and wont decide to stay.

      Missyow Sis Froggy hihihi (am glad you are now smiling ^_^)

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: