KAMPAI!

(halo halong palagay, matapos ang tagay, blogsperyo style…)

Isang alay sa mga manginginom ng blogsperyong aking nakahuntahan:

Maestro cup

Myr 

Sundalong Lasing

Thelearnedignoramus

Sa gitna ng aking kadramahan, pahina ay binisita ni Myr..

May dalang serbesa, tagayan ay kasabay niyang umapir,

Nagkapalitan ng kuro-kuro, tungkol sa pulutan at baso,

Nakipagtalo din tungkol sa gawi ng mga lasengero…

Kaibigan  ay nagbigay ng papuring walang ampat,

Ako ay natuwa sa pahinang palipat-lipat,

Pahina ko man ay may pusong nagsusugat,

Napangiti sa nakakatuwang panggugulat…

Ako ay nalurkey  sa katotong kainuman,

Hiniling na huwag namang magsawang sya ay dumaan,

Sa aking halamanang tila ata saglit na natuyuan,

Ngunit nagkakabuhay pag may nakikipagkatuwaan…

Heto at inyong tunghayan, aking mga puna sa kanyang pahinang tila lasheng na naman…

(peace kaibigan!)

Dagdag kaalaman, Inuman 101 ng Tambay na ni Myr.:

Donts:

Huwag lagyan ng stork ang Redhorse para patayin ang lasang mapait,

Ikaw ay tiyak na babagsak matapos walang habas na mangulit….

Do:

Mag-iwan lagi ng panlakad, ang alak lamang  ay pang katuwaan,

Hindi dapat magpakalunod, na tila ikaw ay walang kamatayan…

Must haves:

Pamasahe pauwi kung nakikiinom at  nakiki-jamming  lamang

Magbaon ng sariling kumot at unan kung nasa bahay ng kaibigan.

Huwag pasaway, matutong tumulong din na magligpit kinabukasan,

Senyorito ka man sa inyong haybol, hindi dapat sa ibang kabahayan…

Setting:

Basta may videoke, katalo na mga bata!

Kumanta, ala diva,  labas ang baga,

Ngunit huwag namang bumirit  sa simula,

Magkumustahan muna, habang di pa bulagta…

Pulutan:

Kahit ano, peding chicharon, huwag lamang butong pakwan!

(delikado pag lasheng na, sumasabit sa ngalangala, pedi ding mabulunan…)

Obligasyon sa Kainuman:

Kung ang ambagan ay siya nang napagkasunduan,

Ako ay sang-ayon, bago lumarga, pera ay iwanan…

Baka di ka na imbitahan sa susunod na inuman…

Dahil mga kaibigan ay para na ring iyong dinugasan….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 25, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 7 Comments.

  1. theworshipwarriorbride

    “Basta may videoke, katalo na mga bata! Kumanta, ala diva, labas ang baga,”

    apir ate! hahaha…ayos ‘to!

  2. Labis akong nagalak sa iyong mga turan
    Mga dapat malaman at tandaaan sa inuman
    Naway kahit papaano puso moy napagaan
    Lungkot at kirot naway kahit papaano nalimutan…..grabe nakakatuwa ka talaga..hehehe..kulit mo rin pala ah 😉

    • ay ang kainuman ay nagbalik!!!

      may dala bang serbesa?

      ay oo naman kapatid, ako ay tao! tao! tao! hahahhaha

      emo lang kasi….ehem…. yun na yun…..

      oi salamat sa ideya ha? nag enjoy akong paglaruan ang thoughts sa inuman….maiba naman!

      kampai!

  3. Ilabas na pulutan! Mamumulutan lang muna ako kasi pasukan. Saka na ang panulak na nakakapula ng pisngi. 🙂

    Salamat sa ispesyal mensyon!

    Taas mo! Kampai!

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: