“Palipad-lipad na Isip”

(Sa pag-aakalang hungkag ang utak, mga kaisipan pala ay nagkakapakpak)

Hmmmmm….

May mga pagkakataong hungkag ang utak,

Mga bagay-bagay ayaw yata tumatak,

Ngunit tila sadyang di mapigilan ang takatak,

Kailangang ilimbag ang idinidikta’t pumapatak…

Hmmmmmm…

Magsimula tayo sa balitang masaya,

Bagyo ay lumisan, araw ay sumikat na,

Maari na muling magtungo sa plaza,

Halika, tayo nang magpalipad ng magandang saranggola….

Hmmmmmm….

Sundan natin ng balitang pangmasa,

Katatapos lang ni PNOY sa kanyang SONA,

Taumbayan ay natuwa, meron ding nabahala,

Ang daming nagawa, may nagsabi ring, “di ata halata?”.

Hmmmmmm….

Pansinin ang mga tao sa lansangan,

Kanya-kanyang pinagkakaabalahan,

Lumingon sa kaliwa at sa kanan,

Makikilala mo ba ang mga kawatan?

Hmmmmmmm….

Kinalabit ko yung lasenggo sa kanto,

Ang tanong ko ay, “Bakit ka narito?”

Sagot nya ay, “Ayoko ng buhay na magulo,

Dito na lang ako kasama ng aking baso…”.

Hmmmmmm….

Tinanong  ko si Nene habang sya’y nagwawalis,

Tapos ka na ba sa iyong pag-iimis?

Sagot nya, “Hindi pa”, may pagka-inis,

Hinahabol ko pa ang mga diyaskeng ipis….

Hmmmmmmm…..

Asan na ang sakit ng iyong kalooban?

Tila ito pa ay nakabaon, ito pa ay naririyan?

Bakit di mo na lang kaya ito bitawan?

Bakit din na lang kaya ito pakawalan?

Hmmmmmm…..

Sa aking pag-iisa, kinakatok ko aking diwa,

Hi at Hello, “Naririryan ka pa ba?”

Tila yata kasiguraduhan ay nawala,

Ng isang kaluluwang dati’y laging handa…

Hmmmmmm….

Pasensya na sa mga tila walang saysay na hirit,

Hindi ko rin alam kung bakit ako bumibirit,

Basta nais lamang na may mapaglagyan ng sakit,

Buhat sa sugat na sa pag-ipit, dugo ay sumisirit….

Hmmmmmm….

Payo ng mga pantas, walang kamatayan,

Pananaw at pang-unawa ay iyong lawakan,

Subukang hanapin ang mga kasagutan,

Gising-gising, natutulog na kamalayan….

Hmp!….

Sige na nga!

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 24, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. Manul-nulat ng Bayan

    hmmmmm, kayrikit na tula na naman

  2. Manul-nulat ng Bayan

    maganda syempre, pagkat ipinahahayag mo ang iyong payak na damdamin sa di payak na kaisipan….

    • Salamat G. Manul sa palagiang pagsubaybay kahit parang minsan walang saysay…

      Natutuwa sa iyong “appreciations” sa mga kathang madalas ay bunga ng silakbo ng damdaming pilit umaalpas…

      Maraming salamat!

      • Manul-nulat ng Bayan

        syempre naman….ano pa nga ba’t pasasalamat din ang magiging tugon ko sa iyong laging pagbisita sa aking inuman,,,,,

  3. hala, isa ito sa pinakanagustuhan ko sa iyong mga naisulat, kapatid na chilledhoney – matapat, may range ang paksa at ngatatalakay ng buhay-buhay. ahaha, ikaw na ang maraming laman at saloobinng pilit sinasalansan sa pakiramdam, as in… have a good day!

    keep on writing! cheers😉

    • hihihi…..

      Yeheeeeeyyyyyyyyyyy!!!!!!!

      Approved ng aking peborit na manunulat!!!!!

      hahahhahaha

      Mwahhhhhhhhhhh!!!!!!!

    • theworshipwarriorbride

      hihihi…I agree ate San…ngayon ko lang ‘to nabasa pero ang ganda, balanse lang ang mood…hindi masyadong mabigat hindi din masyadong magaan.🙂

      • hala….hahahaha

        ako ay nakabusangot nang aking isinusulat iyan… bagot na bagot hahahahah

        Iba pala ang kinalabasan,
        ang aking pagiging simpleng lukaret minsan hihihi

        Ngunit natutuwa dahil sa pagkabagot, kathang maganda ang kinalabasan…

        (mas mabuti na iyan kesa ako ay nakipagbabagan hihihi)

  4. The constant changes of your thoughts makes this piece an excellent one! It’s like your eyes and your mind walks all alone by themselves and starts to jot down everything that they can see🙂

    Gives me an idea to try flicker my thoughts with different ideas and stuff just to somehow isolate myself from this crazy day I’m having🙂

    • hahahahah… thanks mah brother from another mother!

      See sometimes it helps to look the other way around…..

      ok then, start playing with that keyboard and let yourself wander away from that stressful environment you are in…

      I will press the like button, if just to help a bit…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: