Bugsong Kayhirap Mabawi

(Bitaw ng salita ay parang bala, sa biglang pakawala, alam mong tatama) – tugon sa kathang “Without us Knowing” (Tama ba?)

Bugso ng damdamin ay parang balang kumakawala,

Sa biglaang pagkalabit ng gatilyo, tiyak may tama…

Parang apoy, sa biglang pagliyab, nakakapaso,

Biglang tumatarak, sa biglang pagkawala ng palaso…

Dahil lohika ng isip ay nahuhuli sa pakawala ng salita,

Kadalasan ang resulta ay pagkabigla at pagluha,

Hindi mawarian, di kayang bawiin, sadyang may bahid,

Pagkat ang mensaheng taglay sumama agad sa himpapawid…

Kung kaya’t ang lahat ng salitang ating bibitawan,

Hangga’t maari ay talagang ating pag-isipan,

Bibig ay rendahan upang di agad magpakawala ng kataga,

Na sa kanyang pagtama, siguradong may isang bubulagta….

Hawakan ang damdamin, huwag padala sa silakbo,

Sa tulin ng pagbitaw ng salita, ito’y mistulang ipu-ipo

Kung hindi mag-iingat, nilalang na mahalaga ay mawawala,

Ikaw rin ang maiiwang nasasaktan at tiyak, nakatulala….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 24, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 10 Comments.

  1. hihihi…. parang zombie? Malamang sa alamang! ^_^

    Kung ang bumulagta ay bumangon at walang dalang sandata,
    Magpapatawad na lamang at hindi na kakasa,
    Maaaring usapan ay maayos, magsilbing bagong panimula,
    Magdiriwang pareho sa kapayapaan at pag-asang dala-dala….

    Ngunit kung ang babangon ay may dalang sumpit,
    At sa biglang pagtayo, ito ay maghahamong pilit,
    Kalungkutang tunay dahil mukhang mas magulo ang buhay,
    Nagsimula sa mga salitang pinakawalan nang walang pagninilay….

    Isang magandang umaga sa iyo Maestro!

  2. sabi nga. mas malkas ang impact ng mga salita at kapag nasabi na wala ng return or exchange. kaya ingat plage aa bwat ssbhn..matutong magtimpi.. (advance ko sa sarili ko yan) hahahah.

    elow sis! musta. misyowh! 😀

    • hello sis!!!! missyah!

      Just rising from a deep slumber ang drama ng blogsite ko (pati na rin si ako hihihi)

      Anyway, nice to be back sa aking dating sarili.

      O ayan, ganado na uling magsabog ng tinta at mukhang ikaw ay nasabuyan sa iyong pamamahinga… 🙂

      tama tama, isipin munang mabuti ang mga bibitawang salita dahil may dalawa itong super powers na peding i-make or i-break ang isang samahan:

      1. Prophetic
      2. Provocative

      Luvs luvs luvs!!!!

      • nag bubusy busyhan ang lola mo e heheh.. ano daw ang prophetic at provocative? sori sis. naanay na ang utak ko pag dating sa gnyn heheh,,

        sus kelan b nagpahinga ang tinta mo?! hahah..

        • hihihi, busy at nagpapaganda at nagpapayaman ka ba sis?

          May point, may point!!!! Di nga nagpahinga, nagmaktol lamang. hahahah

          Heto opinyon ko lang ha?

          Prophetic…
          Words are powerful sis dear. What we sayeth and believeth in will happen by God’s Grace and Will…

          Provocative:
          Words can ignite fire when spoken heatedly.
          Words can still the waters when spoken softly…

          Yown! ^_^

  3. Mas mainam na patalim ang dila kasi diretso sa puso ang tama.

    • Hmmmm….

      Kakaibang pananaw, D’L.I..

      Tila mas mapangahas ang nais na paraan upang maibahagi ang kaisipan 🙂

      Kailangan talaga’y “patalim na dila” ang sandata 🙂

      Maraming salamat sa iyong pagdalaw 🙂

  4. Madamdamin, ngunit kulang sa sining.

    • Salamat Ginoo… Tinatanggap ang puna…akin po itong aayusin….Maraming salamat sa tugon, lubos na ikinasisiya 🙂

    • Ginoo, paumanhin, iisa pala ang ating mesa noong KWF. Di kita nakilala. Sayang. Masyado kasi akong nag-alala sa aming mga students na nagtanghal. Paunmahing muli. Aking hiniling kay Leo na maintroduce ng formal sa inyo, sa ibang pagtitipon. 🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: