Sa Aking Pagtulog…At Paggising…

 

 

Nakapagkit sa isip, hindi maalis, hindi masungkit,

Alaala na makulit, umiikot, paulit-ulit,

Ayan tuloy, dalang-dala hanggang sa pagpikit,

Sa panaginip alaala ay nagpapakita ng pilit…

Sana naman damdamin ako na ay pawalan,

O mas tama bang ito ay aking bitawan?

Di pa kaya, kahirap naman ng ganyan,

Pati pagtulog ko ay walang kapayapaan….

(“Effort pa…sigh…ganyan talaga ang buhay”…sabi ng mahaderang salamin sa aking silid….)

 

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 22, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 19 Comments.

  1. yahoo!…hangggang sa pagtulog..di makatulog sa gabi sa kaiisip..;-)

    • Naku ikaw talaga Myr, ikaw pa ay nag “yahoo”!
      Buhay ko ay sadyang nagulo,

      Pero di bale, dahil ikaw ay bumisita sa aking tahanan, ikaw ay akin na ring hahainan ng mga kathang, ewan kung swak sa iyong panlasa…. ikot ikot lamang 🙂

      • salamat..magulo man ang buhay pero kelangan may ngiti pa rin sa ating mga labi..aantabayanan ko ang iyong mga katha..ikot ikot lang ..hhihihi..!

        • Naku, salamat, balik ka lang dito… abangan na ang tinta ay daluyan ng saya…. Sa ngayon, paumanhin, luha muna….

          Nakaikot ako sa iyong tambayan… nag enjoy sa inuman… shot shot tayo Myr!

          (ako na lang ang taga kanta at taga pulutan, pedi din tanggera, huwag lang kainuman, talo tayo jan…)

  2. Totoo ba talaga yang quotes sa last? Ibig sabihin binigay ko na puso ko sa isang tao? Naks! hahaha.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: