Binalikan ang kathang unang una… Inayos, muling tinimpla… Palagay ko, ako mismo ay natuwa sa aking ginawa, parang kapeng lalong sumarap, kainaman…Kung kaya’t gaan ng kaloobang dala ng katha ay aking nais ibahaging muli….para sa inyo, mga kaibigan….

Chilledhoney's Blog

(Lahat ay nagkakamali, nasa pagharap ang tagumpay at pagpupunyagi)

 

Lahat tayo ay nagkakamali…

Maling taong pagmamahal ay pinag-aalayan,

Maling taong pagkakatiwalaan,

Maling desisyon,

Maling direksyon….

…MALI lahat….

Kaya akala mo ang mundo ay galit sa iyo….

Kung bakit di mo rin alam, dumarating ang delubyo….

Minsan nga, sa iyong pag-iingat…

Hakbang ay sinisipat, ngunit sadyang nalilingat,

Lalo kang nadadapa, nasusugat, nasasaktan…

Nahuhulog, nawiwindang, naguguluhan….

“Pana-panahon” lang yan…

MINSAN DI BA?

Sino ba ang hindi dumadaan sa ganyan?

Pag nasubsob, tumayo at sabihing “kaya nyo rin ba yan?”

May tapang upang harapin ang ano mang kahihinatnan…

Ang mahalaga, alam natin kung bakit tayo nagkamali…

May determinasyon tayong ituwid ang maling gawi…

Madaling sabihin, mahirap gawin….

IKAW at AKO….

Lahat tayo nagkakamali….

Huwag humusga…

BAKA MABATO KA…

 

View original post

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 22, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: