Ay, sya…ipahinga na…

(Kung pagod na, ipahinga)

Kapagod mag-isip,

Lalo na kung walang maisip…

Kapagod iba ay laging nasa isip,

Lalo na’t  na di ka naman iniisip…

Kapagod malungkot,

Lalo na kung ikaw lang ang nakasimangot…

Kapagod magdusa sa dilim,

Lalo na’t sa iyong bahagi lamang ang makulimlim…

Kapagod hambalos ay saluhin,

Lalo na’t di umiiwas sa bigwas ng damdamin…

Kung napapagod, magpahinga na kaya?

Lalo na’t tuyo na ang mga mata, hirap na huminga…

Ako muli ay magdarasal, Panginoon ako nawa’y dinggin,

Taos pusong hiling, haplusin yaring damdamin…

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 21, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 10 Comments.

  1. “Kapagod magdusa sa dilim,

    Lalo na’t sa iyong bahagi lamang ang makulimlim…” – brown out sa inyo o naka-off lang ang ilaw? wala kang mausap na mag-switch on? ahihi… hugs, kapatid!🙂

    • mas ala ata akong makausap na mag-switch on…. hihihihi ay teka may nakita ata akong kowt na ganyan, wait aking hahalukayin….

    • Yun nakita ko na….

      “Happiness can be found even in the darkest of times,
      if one only remembers to turn on the light”

      Sigh….. salamat sa hugs!!!!!

      • actually, ito talaga yata ang pamatay dito – ” Kapagod iba ay laging nasa isip,

        Lalo na’t na di ka naman iniisip…” – ayiii! tapos, nabasa ko ang palitan, ang ending ay padalahan ng meryenda, as in… naman, naman… ^^

        feeling ko lang, ha? hindi na palipad hangin pag adults na. iba na ang rating pag gano’n. feeling lang, ahihi… hello, there!😉

        • Ay! ako ay sobrang natawa sa iyong puna Sis!

          Pambihira!🙂

          Di pa dumating ang pangmeryenda, samakatuwid, ito ay utang pa hahahaha

          At ano ang inilipad ng hangin? Iyon bang saranggola o ang ang mga katagang tumalabog na parang bola?

          Ako ay iyong napangiti ng husto hihihi!

          🙂

  2. Hmmmm

    Mukhang maestro ay biglang na out of tune sa saliw ng musikang malungkot,
    Piano at organ ay di makasunod, gitara at tambol tunog ay nagkalukot-lukot,
    Ang usapan ay tungkol sa damdaming hinihingal, napapagod,
    At hindi ang katawang pagal at nanghina galing pagkayod….

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: