Tuldok at Luha, Panibagong Simula…

(Nagsimula sa isang magandang panulat… luha ang tuldok sa pagkamulat)

 

Napakagandang balikan, napakasayang nakaraan,

Walang pagkabagot, nagpapangiti, isang kainaman…

Panahong kaybilis na lumilipas, hindi alintana,

Pagkat kulitan at palitan ay may dulot na tuwa..

Ngunit dumarating ang panahong saya ay lilisan,

Ang pagtuldok ng luha ay sadyang di naiiwasan…

Sa simula, lumbay ay dala hanggang pagharap sa salamin,

Nagtatanong, nagdadahilan, ayaw tanggapin, matay mang isipin…

Hirap ang damdaming magdala ng mabigat na dalahin,

Lalo na kung wala pa ang pagnanais na ito ay limutin…

Dasal sa Maykapal, pusong lumuluha ay Kanyang haplusin,

Nawa’y pluma ay magkatinta ng saya, sa panulat ngiti ay dadalhin…

 

 

 

 

 

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 20, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 11 Comments.

  1. Napakagandang balikan, napakasayang nakaraan,
    Ngunit sa paglalakbay pabalik, di mo mamamalayan
    Mga luha sa pag-agos, nag-uunahan
    Dala ng kamalayan na ang saya ng nakaraan
    Ay mananatiling ala-ala na lamang,

    Trying hard nman ako :p

    • Am sorry dreamer, di ko napansin, nasa spam ko ang message mo…😦

      Anyway, heto na at naapprove ko na ang iyong nakakatuwang taludturan…

      Tama ka, napakasayang balikan ang mga alaala na dapat manatiling sa alaala na lamang…

      Magandang balikan sa mga panahong di ito nakakasakit, bagkus nagbibigay ng lubos na kailgayahan… tunay na tunay…

      Hi sa iyo dreamer!

  2. Unti unti nang nauunawaan,
    Matapos mapawi ang ulap sa kalangitan,
    Nakita ang dahilan sa tulong ng liwanag,
    Palagay ko, akin na rin itong nababanaag…

    • hindi nagustuhan ang mga araw na nagdaan,
      mabigat, walang saya, walang kulay, di kainaman…

      ayaw ng ganun, nasasayang ang ikot ng orasan…
      sumasakit ang bangs, sumakit pati bumbunan…

      napagpasyahan, sa sarili at sa isipan,
      isang malalim na sigh na nga lang, buhay ay sadyang ganyan….

  3. Manul-nulat ng Bayan

    tila magiging huli naman ako sa usapan,,,,,mmmmm

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: