Mga Mukha sa Likod ng mga PANULAT – KM3

Hahahaha!

Nasisigurado kong may mga mukhang nakangiti ang mga nilalang na iyan ngunit ang pakiusap, likod lamang ang kunan!

(Ang pagtatagpo ng mga kalahok, nanalo at mga hurado sa patimpalak na inilunsad ng KM3- Kamalaymalayang Malaya- sa pangunguna ni J. Kulisap – ISANG PASASALAMAT SA INYONG LAHAT…)

Mga akdang tunay na kaygaganda, mga manunulat ay  nagpangita,

Sa isang paanyayang pinalipad ng Kulisap, sila’y walang atubiling nagpaunlak,

Gaano man kahirap ang malayong paglakbay, sila ay pilit bumaybay,

Magkaroon lamang ng pagkakataong makita, mga mukha sa likod ng mga katha…

Sa unang pagkakataong masilayan ang isa’t isa, naroon ang tunay na kaba,

Kaba na may halong pagkasabik sapagkat sa wakas ay magkikita na,

Isang magandang ngiti at isang mainit na pagkamay ang siyang pagbati,

Sa isang nilalang na kausap lamang sa panulat, ng sadyang may pagkawili…

Maraming naging usapan –  tinig, akda, istilo, karanasan, bakit nagsusulat,

Bawat isa ay matamang nakikinig sa nagsasalitang parang nag-uulat,

Tatawa ng sabay sabay kung ang pahayag, sa karanasan, ay magkatulad,

Malayang bitaw ng haka-haka at kuro-kuro, pagkukumpara ng guhit ng palad…

Apat na oras na pagkaka sama-samang nagbigay ng kakaibang saya,

Tunay na ang kamay ng Panginoon ay sadyang may taglay na hiwaga,

Isang karangalan ang makadaupang palad, Kanyang mga nilalang na kayhusay ginawa,

Mga manunulat na  mayaman sa kaisipan at mga aral, nasasalamin sa bawat akda…

ITO ANG ESPESYAL NA PARANGAL NA AKING NATANGGAP MULA SA KM3… “Early Bird” sa pagsumite ng lahok, iba na ang maagap hihihi! Hindi man nanalo, ako naman ay may naiuwing libro… 🙂

AT HETO NAMAN PO ANG KULISAP NA PASIMUNO NG LAHAT,  MARAMING SALAMAT KAIBIGAN! Nawa ikaw ay higit pang biyayaan upang maipagpatuloy itong iyong napakagandang nasimulan…. 🙂

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 14, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN, RECOGNITION. Bookmark the permalink. 25 Comments.

  1. kasama nyo ako sa panaginip. haha!

    ayoko nang magsalita, inggit lang ako.

    🙂

    • Sayang Ani, wala ka…

      Napag usapan ka pa naman nina Kul..

      Sa kanya mo na lang itanong sa kung topic ka naipulutan, hihihi

      Para sa inyong lahat yan 🙂

      • kaya pala kinakabahan ako habang nagpipinta kahapon. haha!

        Gusto kong pumunta pero naman, mas mahal pa plane ticket ko kesa prize. ahahaha!

        • Nararamdaman mong napag uusapan ka Ani hihihi, napakagaling ng iyong pandama!

          Sabihin mo kay J.Kul next time libre ang tiket ng mga mananalo, para walang absent…

          Level up na ang KM3!

  2. Gusto ko naman kase talagang pumunta if ok ang schedule. ‘yon nga lang hindi nga pwede.

    Ahaha! Kilala ko si kuya j, kung may kwento man yon walang personal. Takot nya lang pag nagkita kami ulit. Haha!

  3. Reblogged this on Kayumangging Damdamin and commented:
    I-reblog na lamang natin ang likha ni CH. Maraming salamat sa lahat. Maligayang maligaya ang kaganapan noong Sabado. Hindi ko lahat naimbita ang mga sumusuporta sa KM subalit nandon ang aking paghahangad na darating ang araw na tayo’y magtatagpo lahat. Lalo na’t may nakikibahagi na sa aking pangarap.
    Akala ko ako lamang ang mamimigay ng parangal, meron din silang inihanda na labis kong ikinatuwa.

  4. CH

    Papalaot ang bangkang maglalayag sakay ang mga diwang natatangi.

    Maraming salamat kaibigan.

    🙂

    • Walang anuman J.Kul.

      Tulad ng aking nasabi,

      Ipagpatuloy mo na lamang ang nasimulan… nakalampas ka na sa hirap ng pagbubungkal ng lupa, nasugat, natisod, nagpawis na ng dugo.

      Sumisibol na ang iyong luntiang hardin. Magtyaga at magpakatatag upang mapagmasdan ang bunga na iyong aanihin sa kalaunan…

      Isang pasasalamat din sa iyo, kaibigan!

      • Narito lamang ako upang makibahagi sa hangarin ng mga kagaya ninyo.

        Hanggang sa muling pagtatagpo. 🙂

        Lagi kang mag-iingat

        • “Kami” ang nakikibahagi sa iyong hangarin.

          Asahang kami ni cup ay lalahok sa susunod na KM, nawa’y ang iyong oras na ibibigay ay tumama sa oras na aming peding ilaan.

          Ikaw ay mag-ingat rin 🙂

          Hanggang sa muli at ikaw man ay mag-ingat.

  5. hmnn… parang photogenic sila, as in… pakisabi dyan sa kulisap, salbahe sya. di man lang nang-imbita ang mokong. saka, parang pinakamaganda ang kuha nya ryan sa itaas, kamo… lols! 😉

    • Trust me, napakagagandang lalake at mga babae niyan 🙂

      Tama, pinakaphotogenic ang Kulisap na ang buhok ay mas mahaba pa sa aking buhok…na ginamit pa ang fan ng resto para magpatuyo ng kanyang hair, saan ka pa?

      Photogenic sa taglay na kabaitan at kagalingan…low profile din ang lolo.

      Hayaan mo Saliw, ang iyong mensahe ay tiyak na mababasa niya, wari ko lang… 🙂

      Isang napakagandang pagkikita-kita..:)

  6. Hi San, sa susunod malamang ikaw ay makakadalo dahil tiyak na papasok ka sa top10, kung hindi ka mahuhuli ng pagpapasa. 🙂

    Natatawa pala ako CH sa unang larawan, ‘di ko mawari kung nabusog ba ang mga ire o nalungkot dahil ang bilis ng tipanan..nakaapat na oras pala. 🙂

    • Malamang sa alamang J.Kul.

      Si Saliw ay isang batikang manunulat… nakakatakot tumapat.

      Huwag mag-alala, nabusog ang mga iyan, lalo na’t pinabaha mo ng pagkain ang hapag…Nakangiti kaya…2pm-6pm…matagal tagal ring kwentuhan para sa mga bagong nagkakilala…

  7. congrats senyong lahat na mga nanalo sa KM3.. saludo kami senyo..

  8. andito na pala ang pinakamaganda kong picture :)) nice meeting you po ms. chilled honey 😀 sa susunod na tsismisan ulit!

  9. yun ohhh 🙂

    ikinagagalak ko pong makadaupang palad kayo ma’am.

    hanggang sa sususnod na pagkikita.

    -www.jayrulez.net

  10. di pala pumasok yung comment ko dito :)) nice meeting you ms. chilled honey kahit di tayo masyadong nagkatsikahan, hamo babawi ako sa mga susunod pa nating pagtatagpo, promise.

    wacky yung shot, nakatalikod nga lang! haha

    • salamat madz! welcome na welcome ka sa aking hardin…

      yan ba yung wacky shot? nalimutan ko ata, nakatalikod kasi 🙂

      Ang Jhayrules, nanlait, malapad daw ang mga likod, sarili nya ay kasamang nilait 🙂

      Hanggang sa muli kaibigan… ^_^

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: