Ako naman ang Hihiling…

(Pumikit…damhin ang lamig ng gabi,…isipin ng taimtim ang panalangin)

 

Ito ay isang nais, isang pangarap,

…kung mamarapatin ng langit at ulap,

akin itong hahayaang maganap.

Pag-ibig na aking hawak,

…nais pag-ibayuhin ang lawak

Kahit tumutol pa ang mga uwak…

Yayakap, sasama, sa pagmamahal ay kakapit,

…yaong tama lamang, hindi sagad sa pilit

Damhin na lang ang pag-ibig ng marikit.

Pag-aalinglangan, ito ay iwanan,

…pakinggan ang bulong ng puso at isipan,

Damdamin ay pakawalan nang di pagsisihan sa kalaunan…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 14, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 10 Comments.

  1. Paano naman po kung hindi para sa isa’t-isa. Kumbaga isa lang ang umiibig? Sabagay lahat pwedeng daanin sa hiling.
    🙂

    • Hi Ani…

      Hindi ka mangangahas humiling kung alam mong isang lang ang umiibig…dahil alam mong ikaw ang higit na masasaktan kapag ikaw ay tinanggihan…

      Ginagawa ang paghiling kung may nasisilip na kaunting butas ng pag-asa…

      Para walang what ifs, mangahas… at least nalaman mong kung pedi ngang pagbigyan o hindi…

      Minsan naman sa aking isipan…

      Pag ako ang hinilingan, ako ay nagbibigay…

      Madalas… ay teka, hindi pala, sa mas madalas, ako ay nagbibigay…

      Ngayon lang ako hihiling🙂

      Malay mo makinig si Bro, di ba?

      • ako naman po kase humihiling pag impossible na. Parang iparinig at ipalipad sa hangin, malay mo maibubulong ang kahilangan at matupad.

        kumbaga, impossible na kay let his will be done.

      • Isang pagkakaiba sa pananaw, Ani, ngunit aking nirerespeto ang iyong tinuran.

        Humihiling kung may pag-asa upang lalong mapaganda ang chance na matupad…dahil naniniwala, dahil may sampalataya…

        Tama ka rin naman…

        Humihiling kung imposible na… dahil hindi na abot ng kakayahan at kaisipan ng tao, Let God’s Hand draw the line and tell you if you must cross or not….In His perfect time, according to His perfect Will…

      • ang pagkakaiba po kase natin masyado pa yata akong idealistic. kaya sigoro ganito ako. Hindi ko pa kase naranasan na ipag-laban ang isang bagay kahit alam kong ‘yon ang gusto ko. Minsan nga gusto kong maging selfish, pero hindi ko magawa kase hindi rin kase ako yong taong magiging masaya if may maaapektuhan.

    • Maari ngang salat ka pa sa karanasan ngunit mayaman ang iyong kaisipan.

      Hayaang panahon ang maghubog sa iyo at sa iyong katauhan…

      Maraming dapa at sugat man ang maaring matamo, heto lang ang laging tandaan…

      “Ang sundalo, pag nasusugatan, lalong tumatapang…lalo ring nagiging matalas ang pakiramdam sa galaw ng mga halamang maaring magbigay ng dagdag kaalaman sa direksyon o kilos ng kalaban…”

  2. Bakit ba nang mabasa ko ‘to tumulo na naman ang luha ko..🙂
    Parang gusto ko din humiling… This time lahat para sa sarili lang.. ‘yung “ako ” lang.. Selfish na kung selfish, ngayon lang naman susubukan… ( pwede kaya yun?)
    Ngunit tingin ko di ko kayang hilingin ang tungkol sa pag-ibig.. Sa haba ng naipon na listahan, huli na yata yun sa listahan….🙂

    • Maaaring luha mo ay sumabay sa luha ko. Nadama mo ang damdaming dala, tunay na ito ay “inked with tears” .

      Isang pagpapaka-selfish, tama.

      Minsan susubukang para sa sarili naman, masyado nang nagbigay ng kaligayahan sa iba, naubusan ata, di nagtira, kung kaya’t lungkot at lumbay na lang ang nadarama. HIndi ko nais gumising at matulog lagi na kalungkutan ang bitbit…hanggat maari…

      Marami ka pang nais gawin sa iyong buhay…hawak mo ang iyong oras at kinabukasan…pag-prioritize ay tunay ngang mahalaga…🙂

      • Marami pang nais gawin … Mag-prioritze (ang hirap para sa akin🙂 ).
        Hindi ako nakakatiyak kung may oras pa nga, kung iisipin ang kinabukasan.. ( malabo at mukhang walang katiyakan) …. Eto at bahala na muli si batman…😦
        *buti na lang ang iyong panulat sa kabila ng luha, puno ng tatag na pwedeng pagkuhaan ng lakas ng bumabasa ^_^.

        • bukas ay malabo at walang katiyakan…

          sa mga bagay na wala tayong kontrol, maaring di natin makita, maghihintay kung ano ang magiging biyaya.

          sa mga bagay na tayo ay may kontrol, maaring umagapay sa takbo, mga nakakasama ay hawanin, mga nakabubuti ay pagyamanin.

          napakasarap sabihin, nakapahirap gawin. (100%)

          kailangan ng ibayong tyaga at tatag ng damdamin.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: