Sino Na Nga Ba AKO?

(Katahimikan… kadalasan nagbibigay ng kasagutan sa isipang tila nakatanikala nang kusa…walang luha…)

Sino na nga ba Ako,  Bunga ng Pag-ibig Mo?

Ako ay napuno ng pag-asa…

Sa lahat ng oras at pagkakataon, ako ay naniniwala…

Sa harap ng pagsubok, ako ay iyong kasama…

Sa ayaw at sa gusto,  damdami’y di humuhupa.

Ako ay lubos na nagtitiwala….

Sa iyong mga sambit, ako ay sumasampalataya…

Mga bitaw ng kataga, sa aki’y tumatama…

Mga bitaw ng salita, sa isip ay dala-dala…

Ako ay natutong magpahalaga….

Sa lahat ng oras at pagkakataon, nais kong magbigay ng kalinga,

Nais na iparamdam ang yakap na kaysarap sa umaga,

Nais batiin ng matamis na ngiting namamayani sa tuwina….

Ako ay napuno ng kaligayahan…..

Sa bawat halakhak na naidudulot, parang musika sa akin ay nanunuot,

Sa bawat tuwa na ipinapakita, tumatalon, hindi man lang bantulot,

Sa bawat sukling ibinabalik, sadyang napupuno ang banga ng pulot….

Ako nga ba ay nagbago?

Maaring OO, dahil matagal ko na sanang kinalimutan ito,

Di sanay sa damdaming napakapamilyar, sadyang  natutuliro…

Maaring HINDI, dahil ang damdaming pinakawalan ay totoo…

Kung ano ang ibinabahagi, iyon ang dikta ng aking puso….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 13, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: