Tumingin sa langit…

(Twit twit, pipit naipit…twit twit, pipit alumpihit sa sakit… tumingin lang sa langit…)

Tumingin sa langit,

Napansin ang pipit,

Namimilipit sa sakit,

Hindi makakandirit.

Tumingin sa langit,

Impit ang sambit,

Hinahanap ang kulit,

Sinusundan ang init…

Tumingin sa langit,

Mga mayang makulit, nagsilapit,

Twit twit twit sabi sa pipit,

Narito kami, twit twit twit…

Tumingin sa langit,

Natuwa ang kawawang pipit,

Akap ng mga mayang mahigpit,

Katumbas ng akap ng langit…

Tumingin sa langit,

Kumapit, mawawala rin ang sakit,

Pagngiti ay pihadong mauulit,

Hindi nakangiwi o pinipilit…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 8, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: