Paalam na malamlam…

(Kailangang maghilom, walang katulong, mag-isang isusulong)

 

Paalam na malamlam, mabigat bitawan,

Lalo’t mahalaga ang taong pinatutungkulan,

Ngunit kailangang salita ay pigilin, manahimik,

Hindi na muna magpapahayag, di na muna iimik…

 

Hindi pagkakamali ang pagmamahal na pinagsaluhan,

Ito ay naligaw lamang ng pagkakataon at panahon,

Kailanma’y di nagdalawang isip o ito ay pinagsisihan,

Sapagkat ito ay totoo at bukal sa kalooban…

 

Dasal ay magkaroon ng kapayapaan,

Mabigat na kalooban, parang dinadaganan,

Magkabilang banda, hangad ay magkatulad,

Maging masaya sa muling pagkakadaupang palad…

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 8, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 13 Comments.

  1. iloveu gudbye?
    somewhere down d road?
    kung tayo’y magkikitang muli?
    paalam na?
    pagdating ng panahon?

    ano ang tamang kanta pra dito? ahihihi

  2. Hayaan at maging magkaibigan na lang. Kung kayo, kayo talaga.

  3. ako’y tila dito’y napatunganga,
    pagkat mas nanaisin ko pa ang
    ang isang paalam na malamlam
    kesa ang,
    mamaalam ng walang paalam. (isang dagliang pag_ _naw)

    hindi ba?

    • tama ka maesto…

      iyan din ang akin naisip nang iyan ay aking muling balikan at basahin…

      kalungkutan na taglay ng katha ay di makakatumbas sa kalungkutan ng dagliang…

      ngunit iyo na lamang namnamin dahil isa iyan sa kathang may magandang banyuhay ng mga titik, kataga, parirala at barirala…

      isinulat na may luha

      (inked with tears)

    • Iyan sa akin ay isang bihirang pagsuko… sa oras na iyan ay isinatitik…

      Pagsuko na titiisin kung nanaisin ng pinag alayan…

      Bunga nga isang katahimikang walang kasiguraduhan,

      Bunga ng mga kawing kawing na isiping ako ay sinukluban….

      Ngunit dasal ay sadyang makapangyarihan… luhang ipinanghabi ng katha… napalitan ng ngiti na sa katha ay magpapaliwanag….

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: