Pagtigil ng mundo…

(Bilis takbo, humabol kung kaya mo, titigil ang mundo, maaring kagagawan mo…)

 

Isang segundo,

Isang minuto,

Isang oras,

Isang araw..

Umikot ang mundo,

Kasabay ng paghinga mo,

Kasabay ng tibok ng puso,

Kasabay ng pangarap na binuo.

Isang segundo,

Isang minuto,

Isang oras,

Isang araw..

Mundo ay huminto…
Kasabay ng paghugot ng huling hininga mo,
Kasabay ng pagtigil ng tibok ng puso,
Kasabay ng pangarap na gumuho…

Isang segundo,

Isang minuto,

Isang oras,

Isang araw..

Biglang napagtanto,

Buhay ay maaring huminto,

Isang segundo, isang minuto,

Isang oras, isang araw, lahat naglaho….

Isang segundo,

Isang minuto,

Isang oras,

Isang araw..

Wala nang halakhak,

Wala nang takatak,

Wala nang palakpak,

Lahat lahat lumagapak…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 6, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: