Sitsiritsit huni ng Pipit, Gitarista namilipit….

(gitarang nakaimbak, pilit kinakalabit…panahon di umaayon, oras nagigipit…. Tugon sa akdang Ang Gitara at ang Pipit ng Matinik na Manunulat)

Pipit na kumakandirit sa saliw ng pilipit na awit,
Paikot ikot, palipad-lipad, humuhuning pilit…

O sya, subukang na nga lamang umawit,
Sa saliw ng musikang nota ay dikit dikit…

kwerdas ng gitara ay itono, wag mahigpit,
upang ang awit ng pipit ay lumikha ng hit…

Sa makulit na pagkandirit ng pipit,
Gitaristang naiinip, tuluyang nakalabit…

Nota ng musika, muling naiguhit,

Titik na mainit, muli naging malimit…

Gitaristang dila sa pagsambit ay pilipit,
Tumipa, kumalabit, paulit ulit…

Sinasabayan pa ng pipit na makulit,
Bumibirit ng sitsiritsit alipitpit!

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 5, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. nagbalik ala-ala:

    “ang huni daw ng ibong maya,
    ay nasa puno ng papaya,
    kapag ang dilag (bata) ay masaya,
    siguradong may nagpapaligaya”

    tama ba?

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: