Pambura…

(Realizations will tell you how WRONG you were when you took your step, and fell down, HARD…It will also tell you how BOLD you are to have DARED to take THAT step… lessons learned.)

Nais kong burahin ang aking sarili…

Gamit ang pamburang aking nabili…

Pagkatapos, sarili’y iguguhit kong muli,

Gamit naman ang krayolang napili…

Ako ay natutulili, sa dami ng aking pagkakamali,

Nais kong burahin, mga pasyang bumabali,

Pambura ay hinawakan, kasalana’y sinuri,

Aral na hatid ay nariyan, burahin ito, hindi pala pedi.

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 2, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. habang ang lahat ng masakit na pagbagsak ay nangyayari, katawan ay nagkakalasug-lasog, utak ay nadudurog, puso ay hinihiwa ng karit na hindi nahasa, lumalaginit. Buti na lang ang kamay ng Panginoon ay nariyan upang gamutin ang ating lupaypay na katawan…

  2. tama!! tama! tama!!.

    ay para lang akong nagkokoment ng stat sa fb. ahaha.

    • hihihi

      salamat sa pag-appreciate kayedee…

      bunga ng pagninilay…

      napakaganda ng lumalabas na banyuhay ng mga kataga kung ito ay hinihugot sa kaibuturan ng puso…

      ang katha ay may bahid ng lumbay at tigas ng paninindigan ngunit ibinahagi sa magaan na paraan…

      anu’t anuman, nang ito ay muling pagmasdan nang ibaba ang bolpen, paggamit ng titik ay sumabay sa mensaheng nais ituran…

  3. isang suhesitiyon,

    kung mangyaring hindi na talaga mabura
    bakit di na lamang lagyan ng kulay gamit ang krayolang napili
    maari ba itong magawa?

    kumbaga lagyan ng kulay ang itim/puti na tinta
    buhat ng isang lapis na matulis.

    • ang iyong suhestiyon ay napakainam…

      yun nga ang ginagawa,

      dahil pambura ay di magamit, di tumatalab sa aral na hatid ng mga pagkakamali,

      minabuti na lamang krayolang napili ay gamitin upang maging makulay ang buhay na hindi naman talaga perpekto

      ^_^

  4. Napakaganda po nito.

    Salamat sa pagdala sa kin dito Ms. Chilledhoney.

    “…some lessons in life are best learned through pain.”

    Ang tao pag nasugatan, nagmamarka, nagpipilat.
    Madalas, ang mga pilat na ito ang nagpapa-alala sa atin ng mga bagay na hindi na dapat ulitin.

    Salamat.🙂

    • Tama ka…D’ L.I….

      Mahirap magpagaling ng sugat,
      Madalas ito ay nag-iiwan ng peklat,
      Napapangiwi tayo tuwing binubuklat,
      Hindi maitago, dahila’y nauungkat…

      Damdamin ay hindi nadidiktahan,
      Puso ay daranas ng kabiguan,
      Panahon ay dapat bigyang daan,
      Upang paghilom ay makamtan…

  5. Time indeed is the ultimate healer of hurt.🙂

  1. Pingback: Sugat… « Chilledhoney's Blog

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: