TEN THINGS I WISH FOR BEFORE I DIE…

(tugon puna sa akda ni ScarletLips, Ten Things to do before I die…)

1. find a man who will make me happy, as in super happy na ako ang reyna ng buhay niya, na ako lang ang pinagkakaabalahan nya, na ako binebeybi hihihi (kadalasan kasi ako ang gumagawa lahat nyan… diyaskeng buhay ito oo, unfair!)

2. makitang masayang masaya ang aking mga anak…( gusto nilang maging architect pareho…. gusto kong makitang matupad yun…igagapang ko yan, kahit ako lang mag-isa….)

3. makitang ung ex ko ay mag-asawa na muli at nang mabawasan na ang pasaway sa mundo…(ay, ay ay…. at nang sumaya pala sya, ang bad ko naman!)

4. makapag suot muli ng two piece at magtampisaw sa dagat na walang iniintindi kundi paano ko pagagalingin ang sunburn pagkatapos (ay sya! di baleng masakit, masaya naman!)

5. makapaglathala ng libro, kahit ano, basta produkto ng malikot kong pag-iisip…(ung makabuluhan sana para kahit wala na ako, di ako minumura ng mga tao, bagkus may ngiti pag binabanggit ang pangalan ko)

6. mabigyan ng tribute sa lahat ng ginawa kong sakripisyo para sa ibang tao (hihihi, humiling ba? di pala bukal sa loob yun, nanghihingi pala ng kapalit wahahahah)… at oo nga pala, may ginawa nang awit ang isa sa mga student ko especially for me… pangarap kong ma hit nun ang airwaves… kantahin sana ni Charice (sa babae nyang anyo… yung dating cute na sya) maganda kasi ung song, bagay sa boses nya….hihihi

7. makausap ng one on one si Pope… (baka sakaling mabura lahat ng kasalanan ko sa mundo… sorry sa lahat ng na-agrabyado ko, napaluha ko, nabuwisit ko! Baka sakaling matulungan nya akong humiling kay Bro na bigyan ako ng computer sa heaven para makakatakatak pa rin ako…. Baka makapag request din ako ng suite para sa parents ko hihihi… di naman ba abusado?)

8. maging Presidente ng Pilipinas… para may chance akong ibalik sa lahat ng Pilipino ang mga kinurakot na pondo (bakit ba, isang araw lang ang hinihiling ko ah? mahirap ba yun?)

9.  makakuha ng Palanca award… (hmmm…paano kaya un?)

10. magkaroon ng kabuluhan ang buhay ko dito sa mundong ibabaw….yun bang yung purpose ng existence ko ay nasatisfy ko….ano man yun, sana makita ko…. parang needle in a haystack kasi eh… sa dami ng dagok at pagsubok, di ko tuloy makita kung nasaan yung needle  (ung purpose of existence) na makinang…

MORBID di ba? pero alam nyo, doon naman din tayo lahat patutungo eh… harapin ang katotohanan…

Parang sex education sa mga bata lang. Bakit mo di ibubukas ang kanilang isipan,  eh darating at darating ang panahong ang urge ay mararamdaman din nila, at dapat sa pagkakataong iyon sila ay handa na hindi magkamali sa pagtugon sa pangangailangan ng katawan…. Ay! anobayan! bat ba naman dito ko nai-compare yaan?

Basta un na rin yun!

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 28, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 42 Comments.

  1. Naalala ko dito iyong ginawa namin nung high school. Maraming umalma sa amin noon dahil pinagawa kami ng lapida (kunwari patay na kami) kasama ng mga sana ay nagawa namin noong nabubuhay pa kami. Medyo wala lang sa ordinaryo yun pero naging daan iyon para maintindihan ang mga gusto namin makamit. Paalala ito na hindi natin hawak ang oras kaya dapat alam natin kung anong magpapasaya at magpaparamdam sa atin na naging makabuluhan ang ating pananatili sa mundong ibabaw.

  2. hola honey!! hehehe..
    hang bigat ng mga wishes hahaha! pro cguro kht d kp mamamatay pde mo iwish tong mga to kc wish lng nman hehehe..

    pag nag bf k ulit. wg mong ibababy pra ikw nmn ibaby 2lad ng want mo.ahihihi..

    bkt nmn ngng psway ex u? nakikilag balikan? ayiiee heheh.

    hanga ako s pgging mbuting ina mo sis. mabuhay ka!🙂

    pangarap ko ding mkapag two piece ahihihi

    pag naging presidente kna wag mokong kklimutan ha? kayedee po hahaha!!

    musta n?🙂

  3. hmmm, sa aking palagay, ang #4 ang pinakamadali mong makakamit, anytime pde mo gawin yan. hehe. it is within your control.

  4. Oo nga, pano nga kaya maging Palanca Awardee?:/

    • hihihi…

      ang alam ko may invitations yan sa mga universities

      sasali sana ako nyan noon eh

      kaya lang di gumagana utak ko

      puro anatomical parts na pinag-aaralan namin sa morgue ang lumalabas sa balintataw ko that time hahahahah

  5. supirtahan kita madame president.. ehehehehe at ako din, gusto ko ring makapag suot ng two piece at magtampisaw sa dagat! ahahay!

  6. LOL😛 sa sex education talaga na-compare, Inay? HAHHAHA> ang dme ko lang po tawa.. but that’s so true! Ang layo ng comparison.. Pero sobrang may point! ehhehee. IMY!! ☺

    P.S. Pangarap ko din po ang Palanca Award, 16 years old pa lang ako nun. hehe!😀

  7. hahahhaa! amen. wala po ko masabi bsta kayo ang mentor!🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: