Ano ang nasa isip? :)

(hmmmm….)

Ano ang nasa isip ko?

Ang pulot sa aking banga ay sadya nang umaapaw,

Inspirasyong  ibinigay, sadyang nambubulahaw,

Ang bolpen na madaldal ay nagsusuka ng tinta,

Ayaw tumigil sa pagsusulat ng mga katha.

Ano ang nasa isip mo?

Ikaw ba ay natutuwa sa mga inilalathala?

O ikaw ba ay nasusuya sa dami ng akda?

Sensya na, abang lingkod ay mabilis maghabi ng mga parirala,

Sensya na, abang lingkod ay mabilis magtagpi tagpi ng mga talata…

Ano ang nasa isip ko?

Sa tuwing nilalagyan ng tuldok ang aking panulat,

Ako ay nagdarasal, nawa ito ay iyong mabuklat,

Hinihintay ang iyong pagsang-ayon,

Nais makita ang puna, kung nasunod ang layon…

Ano ang nasa isip mo?

Sa tuwing magbubukas ng mga pahina,

Aking tanong, hardin ko ba ay nais makita?

Nasasabik bang sumalok ng mga barirala?

Nais bang maglakbay kasama ng aking diwa?

Isip Isip Isip…. Ano ang iyong nasa isip na akin bang iniisip?

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 28, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 13 Comments.

  1. kung ako ang tatanungin,
    ang nasa isip ko’y…..
    sana humaba ang oras na mag-isa
    para mabuklat,
    lahat ng mga panulat,
    at makapagmuni-muni
    para sa punang parang humuhuni
    sa isang may akdang
    ngalan ay chilledhoney.

    ano-ne?
    ayos be?
    ansabe….

    isang handog.

  2. theworshipwarriorbride

    hmmm…isip isip..hihihi

  3. shaks, ano na nga uli ang barirala? alam ko, iba ‘yon sa parirala at iba pa rin sa talata… btw, alam mo bang sa blogging ko na lang uli nasalubong ang mga ganyan? as in… gumapang ako sa Pilipino noong nag-aaral pa, haha. kaya pag may natutuwa at pag minsa’y namamangha sa mga isinusulat ko sa Tagalog blog, aliw na aliw ako. naaalala ko mga titser ko, am sure sasakit ang tyan ng mga ‘yon sa katatawa, hihi. ^^

    may saysay, may laman at mabilis ang daan ng iyong nagtataeng bolpen, kapatid, as in…😉

    • oo iba ang barirala… use of the word ata po iyan, ung may transition hahahaha

      ako din, di magaling magtagalog nung una pero nakakinlove ang Filipino sa prose and poetry…

      It is indeed the most romantic language… most expressive hihihi (love ur own, bakit ba ^_^ )

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: