Reserbang Gulong (D’ SpArE TiRe Monologue)

(Ako ay naglinis ng sasakyan kanina. Sa loob at labas, kulay ay maligaya. Ngunit, teka, ako ay napasilip sa isang bahaging di ko laging pinapansin… ang lagayan ng reserba. Inangat, aking nakita, napakagandang gulong! hihihi… I saw a beautiful vision, then came this illusion… let me share my auditory and visual hallucinations hahaha) 

Reserbang Gulong… (The Spare Tire Monologue)

Sa iyong pagsilip, ang bati ko ay “hu u?”, hihihi, biro lang po…

Buti nasilip mo akong muli, dito sa taguan ko…

Taguang iyong pinaglagakan, malinis at mabango…

Madilim kadalasan, ngunit tahimik at payapa rito…

Mundong iyong pinaglagyan, maliit at limitado…

Ngunit ito’y sapat lamang, di nagrereklamo…

Hindi na madalas ang pagsilay mo,

pero hmmm, ngiti ba iyang namumutawi sa labi mo?

Natutuwa kang makita ako ano? Nandirito lang sa pinag-iwanan mo…

Kulay ko ay matingkad pa rin, kahit nakatago…

Kabuuan ay makinis, walang galos, hindi natutuyo…

Paano naman, di ako nahahawakan ng ibang palad, nanahimik lamang rito…

Hmmm… ako ay reserbang nakikiramdam sa bawat pagtakbo mo

Bawat arangkada, bawat liko, bawat preno, ninanamnam ko…

Iniisip kung ako kaya ay magkaroon ng pagkakataong tumakbo para sa iyo?…

Kasaluyang gulong na iyong gamit, umiikot nang banayad para sa iyo…

Nawa’y ikaw ay ingatan, maraming lubak, maraming pako sa daan ninyo…

Maaring matusok, maaring mabutas, maaring sumabog, matitigil pag-ikot nito…

Di naman hinihiling na siya ay mapagod at mapudpod, sumuko sa pag-alaga sa  iyo…

Ngunit kung dumating ang pagkakataong iyon, nandirito lang ako…

Ikaw ay muling sumilip, dito sa aking maliit na kuwarto…

Ako ay iyong haplusin, ako ay iyong buhatin, ilabas, bigyang laya…

Makakasilay ng liwanag, walang katumbas na ligaya…

Tulad ng orihinal na gulong, alagaan ka ako ay may kakayahan,

Mabilis o mabagal man ang iyong takbo, di ka hahayaang masaktan….

Pagkalikha sa aking matibay, itataya sa iyong paglalakbay…

Upang ang sa iyong patutunguhan, ikaw ay buhay na buhay…

Dito po nagtatapos ang Spare Tire Monologue ^_^

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 27, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: