Minsan….malungkot….

(Lahat tayo…. may pagkakataong maligaya… may pagkakataong malungkot… di alam ang dahilan… wala lang ….)

 

Minsan, may pagkakataong malungkot…biglang na lamang akong sinusukuban… iniisip ko kung bakit ganito ang pakiramdam… di ko maintindihan…

Minsan, dahil sa pag-iisa, naiisip kong wala akong kamay na hahawakan, balikat na iiyakan..kahit meron naman…sa banda diyan, sa puso at isipan nananahan…

Minsan, ang lungkot ay katumbas ng lumbay na ayaw akong lubayan…nagsusumiksik sa aking isipan…maaring natatakot sa katahimikan….

Ayoko rin ng ganitong pakiramdam, ngunit dumarating minsan….paminsan-minsan….

Dasal ay maging masaya sa tuwina, upang ang ganitong pakiramdam ay mawalan ng puwang…hindi minsang kaligayahan… ito’y maging kadalasan…

Kung paano, hindi ko alam… dahil hindi ko rin alam kung ba’t ako ngayon ay malamlam…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 25, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 9 Comments.

  1. alam mo CH, eto ang gustong-gusto kong isulat na pakiramdam ngayon pero dahil nabasa ko sayo naiisip kong hindi pala ako nag-iisa

  2. “may pagkakataong malungkot… di alam ang dahilan… wala lang ….” tama… Minsan wala naman dahilan.😦

    • Minsan talagang di maintindihan, sadyang nalulungkot lamang ng walang dahilan…

      Kung kaya sa ating lumbay na nararamdaman,

      Tanggapin ang aking mainit na yakap, kaibigan..

      Smile Froggy ^_^ . Baka nga naloloka lang tayo ngayong araw na ito…. moment lang…🙂

  3. ay, she gets the blues. everybody does, i guess. just make sure it’s only now and then…. have a cheerful Sunday!😉

  4. hi saliw!

    Minsan minsan ganyan…

    Minsan lang naman…

    Parang ulang dumadaan…

    Nararamdaman sa kalakasan…

    May lamig na iniiwan sa kanyang paglisan…

    Have a blessed sunday too!

    (sana mag send ito, nasa byahe ako, unstable ang signal hihihi)

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: