Yako nang mamasyal…

(kung di kaya ang mga nasasaksihan, manatili sa kwuartong may kapayapaan)

Hala, manatili sa isang lugar, huwag nang mamasyal…

Doon ka na lang sa kwuartong may katahimikan….

Ipahinga ang likod, humiga sa malambot na higaan…

Balutin ang sarili sa mabangong kumot, ilapat ang ulo sa unan…

Hala, manatili sa isang lugar, huwag nang mamasyal…

Kung sa pamamasyal, ikaw ay may natitisod…
Nasasaktan, namamanglaw dahil may nagugulagod…
Kung namasdang samahan ay kina-iingitan ng tuod-tuod (“totoong-totoo” – Ilonggo)….
 Hala, manatili sa isang lugar, huwag nang mamasyal…
Manatili na lang sa kwuartong sa iyo ay laan…
Doon damhin ng taimtim ang iyong kahalagahan…
Manatili at hayaang maging payapa ang isipan…
(Yako na ngang mamasyal! kapagod din pala, sa isip, puso at diwa…)

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 24, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. theworshipwarriorbride

    sa bakuran nalang ng mga ka-blog mamasyal, maikot-ikot hehehe

  2. hmmm, tama ba ang nararamdaman ko, isang panibugho ang kathang ito? hmmm.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: