Operant Conditioning (Matutong umiwas sa nakakasakit sa atin)

(tugon sa napakagandang katha ni SALIW… Mga Tahi at Paso…)

Ang sugat sa ating puso at pagkatao ay tunay na naghihilom din… it undergoes the natural way of healing…

Masakit sa una, kalaunan ang sakit na nadarama ay nawawala rin….

First degree burn is the most painful stage as all of the nerve endings are in the skin…
Tulad din ng abrasion o gasgas (sa open wounds naman)… ito ang pinakamasakit…

Unang lapat ng mainit…
Kayod ng balat sa magaspang na dingding o sahig…
Masakit, Mahapdi…

Mainit na tubig…
Katumbas ng mga pangyayari sa ating buhay na hatid ay matinding emosyon.
Nakapanghahalina ang usok, nakakatuwang pakinggan ang pagsipol habang kumukulo….
Tamang “handling” ang kailangan, sapagkat kung ikaw ay mababanlian, sa sakit at hapdi ikaw ay mapapasigaw…mapapapalahaw….

Kayod sa balat sa magaspang na dingding at sahig…
Katumbas ng daang ating tinatahak….
May bahaging maganda at makinis….
May mga bahaging magaspang upang di ito maging madulas….
Ngunit kung di tayo mag-iingat, sa pabigla-biglang kilos….
Balat ay kakayod…masakit, mahapdi, parang tinutusok ng maliliit na karayom…

Ang iyong (Saliw)  panulat tungkol sa ating karanasang masaktan at bumangon nang may aral na natutunan, umiwas maulit ang karanasang masakit ay nagpaalala sa akin sa Theory ni Edward Thorndike (Law of Effect/ Instrumental Learning)

Instrumental Learning o Operant Conditioning is a form of learning in which an individual’s behavior is modified by its consequences. It deals with the modification of “voluntary behavior” or operant behavior. Operant behavior operates on the environment and is maintained by its consequences.

Ang tao parang ganyan…

Pag nasaktan, natututong umiwas sa mga bagay o pangyayaring nakasakit sa kanya…hanggat maari…

Happiness is a state of mind…. Sadness also is….

Operant conditioning sa oras na kinakailangan ay makakatulong sa paghilom ng sugat sa dibdib at katauhan…

Ang sugat, kung hindi ginamot ng maayos at ito ay maimpeksyon..sugat ay mananatiling andiyan o di gagaling…pag nagnaknak (ihalintulad natin ang nanang naiipon sa mga alaala o mga pangyayaring ayaw nating pakawalan kahit ito ay naghahatid ng kapighatiaan), mas masakit…

Ang sugat na naghilom ng maayos sa natural na paraan ay mag-iiwan din ng peklat ngunit hindi ito simpangit…

Ang pait sa ating puso kung ito ay isusuko at hahayaang ang panahon ay paghilumin ito, ligaya at panibagong pag-asa ang ating madarama…

Dahil dito …nais kong ibahagi ang aking kathang nagpapaalala sa ating bumangon pag tayo ay nagkamali …. SURVIVAL KIT   (“Kapag nadapa… E di tumayo…”) at isang panulat tungkol sa tibay ng loob…aking ipinakikilala si MARIA (“Malas ka ba? Huwag Mawalan ng Pag-asa”)

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 23, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. pro bkt s love. kht n alam nting mssktan tau d p rin umiiwas. npaso n lht lht makulit p ding lumalapit😀

  2. Hunyo 24, 2012 bandang 10:16 hapon
    Salamat Saliw…^_^

    Ako lamang ay nagtaka nang iyong sinabing may blogger na nagsabing ito ay nakakadepress…

    Maari ngang ang blogger ay salat pa sa karanasan upang maunawaan ang lalim ng iyong panulat…

    Ako naman ay nasa prime pa ng aking buhay (pwede pang mag ka baby girl ikanga, active pa ang matres hihihi, nangangarap lang, kung pedi nga sanang conceived by the power of the holy fafah hahahaha) ngunit maagang sinubok at siguro, marunong maghanap ng mga dahilan kung bakit minsan ay nasusubsob…

    Tulad ng iyong akda, maaring sa isang sugatan, mata ko lang ang walang latay…

    Sa dami ng pinagdaanan – sa buhay, maging sa pag-ibig, maaring sabihing bugbog sarado, samahan na ng black eye…

    Ngunit, sa kagustuhang mabigyang hustisya ang pagbibigay sa akin ng buhay ng Maykapal, sa bawat pagkasugat, ito ay isinusuko at hinahayaang maghilom…

    Napakahirap di ba, Saliw? lalo na’t may mga bagay na hindi ikaw ang nagdidikta, hindi ikaw ang may control….

    IIyak ka, hahagulgol, nanamnamin ang pait, hapdi, kirot…
    Minsan, sa kawalan ng pakiaalam ng ibang nasa paligid mo, ang sugat ay nabubudburan pa ng asin…

    Dinanas yan ng bonggang-bongga!

    Nariyang gusto mong maglaho, nariyang gusto mong ang mundo ay tumigil saglit… Nariyang gusto mong sumigaw, nariyang gusto mong ihagis ang lahat ng nasa harapan mo (na hindi ko ginagawa hihihi….bakit?… eh kasi dugo at pawis ko ang ipinambili ko sa mga gamit na yan, ba’t ko sisirain?) hahahaha….

    Minsan sa pagnanais nating mawala ang sakit, lulunurin ang sarili sa alak (haaayyy, di ko rin ito kaya)… maghahanap ng kakwentuhan hanggang umaga (eto pwede pa… kaya lang nakokornihan na ang aking mga kaibigan sa akin minsan, paulit – ulit)……..

    Minsan, hinahayaan na lang…”hayaang ang problema ang magkaproblema sa iyo”….

    Itaas sa Kanya lahat ng pag-aalala… ” And He said cast your burdens upon Me, those who are heavily laden…Come to me all of you who are tired, of carrying heavy loads……..and I will give you rest….”

    Inaawit ko yan pag nawawalan ako ng pag-asa….

    Kapag pakiramdam ko, ang mundo ay nakasimangot sa akin, kapag ang nasa paligid ko ay para bang ako ay kakainin ng buhay…, humahanap ako ng gitara, dagling tumitipa, at umaawit ng” Lift up your hands”… ^_^

    Sugat ay naghihilom. May marka man, at least wala na ang pait….

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: