Psssssstttttttt……..

(di mo man makilala ang sarili minsan, wag mag-alala, tingin sa Itaas, ipapaalala Niya kung sino ka…)

Pssssssstttttt!

Una sa lahat…bat ka lumingon? Pssst ba ang pangalan mo?

Kung ganoon marami kayo, este, marami pala tayo (isasama ko na nga ang sarili ko, baka sabihin ninyo, napaka maldita ko hihihi).

Welcome to the club! I nominate myself to the Presidency! Since I am the presiding chair, I will declare that there will be no more nominations, no objections. Nominations closed kahit walang second the motion. Sa division of the house, dahil ako lang ang nandito, I vote for myself as President, I declare myself winner per unanimous decision (kasi ako nga lang ang nandito ^_^)

Minsan iniisip ko… pssst nga din ba ang talaga ang pangalan ko?

Maaring hindi, kasi ang alam ko, ang binyagang pangalan ko ay napakaganda (oopppsss quiet muna sa mga tunay na nakakaalam nito, basta maganda ^_^). Salamat sa malikhaing isip ng nanay at tatay ko.  Hindi ako si Psssst kasi may pantawag sa akin ang mga tao sa paligid ko…minsan nene, mom, ma’am, madam, ina, inang reyna, honey, chinglee, chilled, bharok (hihihi fratname ko yan), hija, nini, at ang gustong gusto ko, “Hon”…. hindi ko yan pinapagamit sa lahat, basta, gusto ko yan (may lambing)… Lahat ng  uri ng tawag, basta di ako minumura, ayos na. Kung ano ang tawag sa akin, yun ang katauhang lumalabas. Kung ang pagtawag ay malambing at may pagmamahal, sinusuklian ko ito ng matamis na ngiti, pangungusap, at galaw. Kung ang pagtawag ay galit, may poot, lalo na’t di ko alam kung bakit… ay sya, magkagulo na lang para walang away! Ding, ang bato, lilipad si Darna!

Maari rin namang OO, minsan Pssst ang ngalan ko…kasi ako mismo di ko makilala ang sarili ko. May mga pagkakataong ang tanong pagharap ng salamin ay, “Hu u?”. Kalokah di ba? Hekasi nga, minsan nawawala din ako sa sarili ko. Minsan sa sobrang hirap ng panahon at pagkakataon, dahil sa iba’t ibang rason, naiiwan akong nakatulala,  nakanganga, bumubula ang bunganga (kakatoothbrush lang hihihhi, kayo naman, di na mabiro)…. ay… teka erase na nga lang ung last! Pangit sa pandinig…at sa inyong  imahinasyon… pangit din ako hihihi…yako nga! Talagang minsan, kahit anong titig sa sarili, parang di ko na kilala, lalo kung sumasabit sabit sa mga pasya. Hindi ko nga mawari kung anyong nakikita ay ang sariling kilalang matatag makibaka, mapagmahal, mapagkalinga… Minsan, sa aking pagkalingat, ang imaheng nakikita sa salamin ay biglang nawawala…ay, ayun, bumagsak na pala! Nakalugmok sa lupa! “Hey, hey, are you okay?…Unresponsive, helllpppp!”

Buti na lang, sa pagkalugmok, napatingin kaagad sa Itaas, nakitang may kakapitan, inilahad ang palad, kumapit ng mahigpit at humagulgol hanggang naubos ang lahat ng pait…tapos tumayo uli, humarap sa salamin, kahit mukhang na-rape… ayos lang, nagsuklay muli, naglagay ng kaunting lipstick, at ngumiti… ayan hindi na uli mukhang Psssssttt…

Psssstttt….makulit ka…lingon ka ng lingon…ikaw ba? Psst din ba ang ngalan mo, minsan?

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 22, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 14 Comments.

  1. bkit honey may nag pssst sau?? nkaka bwct ung gnyan ano! sarapp inano ahaha. ikw n bhla magtuloy😀 hmmm iniicp ko kung may nag psst nb s akin.. hmm meron n dn ata pro ang gngw ko tinitgnan ko ng d mgnda eheheh!

  2. e sb mo mppngiti ako..un b ung ibng psst ahahaha

  3. Silence…silence…silence…

    Pondering on how life is and how it should be…

    Do we really know ourselves that much?

    Or this is plain hypocrisy….

    Can we say, this is the real me?

    Or we are just trying to hide behind a facade…

    Have we considered exploring the inner us?

    Or we are just trying to please ourselves…

    Are we being true, in all we say or do?

    Or we are avoiding everything but lies…

    Silence…silence…silence…

    (In meditating we understand that sometimes, we are just but human beings…capable of being great but vulnerable to destruction of the spirit…)

  4. psstt.. pangalan ko din yan minsan.. ehehehehe.. “hon” din ang tawag ko sa 2nd GF ko nung highschool.. ehehehehe

    • hihihi…

      o di ba… minsan may pagkakatulad hahaha

      psst… yoko yan lalo kung galit o maharot ang pagkaka-psst…

      at hay naku…. basta ako, “HON” ang gusto kong tawag… may lambing at parang gusto mong akapin lagi hahahaha

  5. lelittlemermaid

    “Psst!” -Kapag tinatawag ako ng ganyan, i feel like I’m a dog. But it’s funny how we tend to respond kahit na ganyan yung pantawag sa atin. HAHA.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: