MASUKAL NA KAGUBATAN…(ang bagong sibol)

(ano ang sa akin ay mahalaga? …aking kaginhawaan o prinsipyong pinanghahawakan?)

Tugon sa kathang… Kinang ng Kalikasan, Masukal na Kagubatan, Unang Bahagi

http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/03/01/kinang-ng-kalikasan-o-masukal-na-kagubatan-2/

“Nasilaw ako sa mga pahayag na “security of tenure” hanggang sa aking pagtanda, ang mga benepisyo sa aking retirement.”

Iyan din ang tumatak sa isipan ko nang unang naghanap ng trabaho… dapat sa “gubat” upang kinabukasan ay magkaroon ng kasiguruhan…

Walong taong namalagi, walong taong nagmasid… walong taong pinilit na inunawa ang sinasabing “ganda” ng “gubat”…

Sa simula, sobrang nakakatuwa, para bang ang pakiramdam ay ikaw ay isa sa mga napakaswerteng nilalang…

Nahihinga ang sariwang hangin, napapaligiran ng mga halamang luntian, ng mga bulaklak na namumukadkad…

Ang sarap umikot ikot, nakakatuwang maglaro, bawat sulok ay maliwanag at maaliwalas….

Kalaunan, diyata’t gubat ay parang natutuyo, dumidilim, andun ang nakakatakot na pakiramdam na maaring may mga mabangis na hayop sa paligid…

Nagpasyang umalis sa gubat nang makitang di pala ito tulad ng larawang iginuhit sa isipan bago ito pinasyalan…

Upang manatiling nakatayo at humihinga, kailangang lumaban, makipag kagatan…makipag kalmutan…

Ayoko sa gubat na ito… tulad mo… bilang bagong sibol… nais kong matuto sa maayos na paraan at ang aking kakayahan ay malinang nang di ko isinusuko ang aking prinsipyo…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 22, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. hinahangaan ko ang mga taong may pagpapahalaga sa kanilang mga prinsipyo…kahit sabihin pang hindi ito nakakain…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: